Hers
"Kanina pa tayo ikot ng ikot, falaks. Ano ba ang hinahanap mo?" rinig kong reklamo ni Zach sa likod ko.
"Sabi ko kasing huwag ka ng sumama." mahinahon kong sambit kahit gusto ko na siyang sawayin.
Nahihiya na kasi ako dahil pinagtitinginan kami ng mga nandito. Most of the girls are looking at him and admiration is vivid in their eyes. It's just that...
"Ang init!" sigaw ni Zach at pinaypayan ang sarili.
Napapikit ako dahil halos nakukuha na namin ang atensiyon dahil sa sobrang ingay niya at sa sobrang daming reklamo.
This is why I told him not to tag along!
"Zach, tumahimik ka. Pakiusap." sambit ko at tumingin ng gulay sa tabi.
Kumuha ako ng kalabasa, bawang, sibuyas at sitaw. Gigisahin ko kasi bukas, tapos kare kare naman sa karne. Dinagdagan ko na din ng carrots at patatas ang bibilhin.
"Ate baka pwedeng patawad, ang dami kong binili oh." sambit ko nang nakangiti.
"Wala ng tawad yan."
"Sige na p--"
"Ang dami niyang binili, ate oh." sabat naman ni Zach.
Nanlaki ang mata ko nang napatigil pa ang ale at nahihiyang tumango.
"S-sige p-po ser."
Kumindat naman si Zach sa akin at binalingan ako ng mayabang na ngiti.
"Salamat po!" sambit ko at yinaya si Zach na umalis.
Binitbit naman ni Zach lahat ng pinamili ko. Hinayaan ko na lang kasi sinabi niya na tinutulungan niya ako kasi magkaibigan kami.
"Hoooo! Freedom!" sigaw niya nang makalabas kami sa palengke. Agad na napatingin ang ilan sa amin dahil sa
kasama."I am free! Let it go! Let it go! Can't hold it back any--"
Tumakbo na ako at tinakpan ang bunganga ni Zach. Bakit ba niya naisipang kumanta sa labas ng palengke?
It's just..so out of place. Imagine him wearing a white button down long sleeve paired with black pants and leather shoes.
Not to mention his massive body built and hard features of his face!
"Ano ba, falaks! Ang alat ng kamay mo!" reklamo nanaman niya.
"Bakit kasi ang ingay mo? Nakakahiya kang kasama." sambit ko.
He looked at me exaggeratedly and rolled his eyes afterwards. He even slightly pushed me and went to the back of his car. He placed what I bought there, still looking at me with those sharp eyes.
"Sakay ka na, ihahatid kita."
I remained silent all throughout the drive. Malapit lang naman pero parang napakatagal ang bawat segundo.
I suddenly regretted what I said. Did...I made him feel bad? Should..I say sorry? But what I said is true.. Pero kung ako ang sabihan niya ng ganoon, paniguradong masasaktan ako.
Nakakapanibagong hindi nagsasalita si Zach. Ramdam ko ang paulit ulit niyang pagsulyap sa akin pero hindi ko siya kayang tignan dahil nahihiya ako. I should at least be thankful because he helped me.
"Uh...Zach, thank you for today..and uhm s-sorry if I made you feel bad.." mahinahon kong sambit nang nasa tapat na kami ng apartment.
He popped his cheeks and slightly scratched his temple. He looks like he's supressing a smile but he tries so hard to look so serious.
BINABASA MO ANG
Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)
RomanceHer eyes screams innocence. Her heart is the purest while mine is stained. She's my fucking daylight but I was her rain. But tables have turned. Ang sakit niya palang mahalin. Pero siya ang pinakamatamis na sakit na araw araw kong pipiliin. - Zachar...