Hers
"Bakit kailangan mong lagyan ng sprite?"
"Para mas masarap at mas matamis."
"Eh softdrinks yan! Bakit mo linagay sa pagmamarinate? Hindi nakakalason yan?"
I closed my eyes and tried to be patient with Zach's questions. He's....not helping at all!
"Then how many hours do we marinate?" he asked.
"Overnight."
"Paano? Hahayaan na lang? Hindi babantayan?"
Anong babantayan mo sa pagmamarinate? Sumasakit na talaga ang ulo ko kay Zach sobra.
"Okay na, ilagay mo na sa ref."
Masigla niya naman akong sinunod at inilagay niya sa ref niya. We are both wearing printed apple aprons and it looked so cute.
"Hoy, falaks tingin ka."
Pag tingin ko ay kumuha na ng litrato si Zach. He's smiling while I looked so flushed.
"Imamystory ko sa insta ito. You have one?"
Umiling na lang ako bilang sagot. Nagpakulo na din ako ng tubig para sa macaroni. And Zach is behind me, firing questions....again.
"Bakit mo nilagyan ng mantika? Hindi ka naman magpriprito? Nagpapakulo ka oh."
I inhaled more and looked at him. "Para hindi magdidikit yung mga shells ng macaroni." pageexplain ko.
Pagkatapos maiprepare lahat ng mga gatas, sakto namang okay na ang macaroni shells.
"Careful, that's hot." sambit ko kay Zach nang kailangang tanggalin ng tubig.
He looked at me grinning like I said something so funny.
"I'm hotter." nakangisi niyang sambit.
Kahit gusto kong sawayin ay hindi ko na ginawa dahil baka magkamali pa siya eh mainit nga!
"Okay! Nice work, Zacharius! You're more than your looks!" he told himself and even touched his chin.
"Hindi ka lang gwapo, magaling pa magluto!" puri pa niya sa sarili.
Umiling na lang ako dahil ayaw ko namang sirain ang moment niya. Nauutusan naman kaya okay na rin.
"Ihahalo nalang lahat ito?" turo niya sa mga gatas na nabuksan na. Mayroon din ang malaking nakalatang mga prutas.
"Oo, ako na lang ang maglalagay tapos maghahalo ka." sambit ko.
At ganoon nga ang nangyari, ako ang naglalagay ng mga gatas at lahat tapos siya ang naghahalo.
"Ang cute, parang yung naghahalo lang ng semento." sambit niya.
I will never expect what he's going to say next. Pero hindi ko alam kung bakit ako natawa.
"After this what's next?"
"Maghihiwa na lang para magluluto na lang ang gagawin bukas."
He nodded like an obedient puppy.
"What do you want for dinner anyway?"
Napatingin ako sa wall clock niya at nakitang 6:30 p.m. na.
"Kahit ano." sambit ko.
"Kahit ano? Ang hirap naman yan! Kung pakainin kita ng semento gusto mo?" pamamaktol niya.
"Be specific, please."
Pinagdikit pa niya ang palad at bumuntong hininga. Natawa ako kaya nag-isip ako ng gusto.
BINABASA MO ANG
Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)
RomanceHer eyes screams innocence. Her heart is the purest while mine is stained. She's my fucking daylight but I was her rain. But tables have turned. Ang sakit niya palang mahalin. Pero siya ang pinakamatamis na sakit na araw araw kong pipiliin. - Zachar...