Imahinasyon
Pagsinta ko'y dalisay,
na sayo ko lamang inaalay.Sa araw-araw ng ating pag-uusap,
Pag-giliw ko sayo'y nais ipalasap.O' ginoo ko, napapansin mo ba aking mga ginagawa?
Dahil ikaw lamang ang nagbibigay ngiti sa akin, aking mahal kong sinta.Sa bawat haplos, yapos at halik,
Tila lahat ng ating pagkilalanlan ay nagbabalik.
Mga alala na kay sarap alahanin
na kabilaan ating mga hain.Subalit ito ay pawang na pantasya lamang,
Dahil distansya ang namamagitan sa atin.Kaya aking pagsamo palagi,
Mahagkan ka nang maigi.Maparamdam sa'yo ang mahigpit kong mga yapos,
Yapos na katumbas ng simpleng salita na pagtanggap.Sapagkat nais kong ang mga bisig mo'y tuluyan sa akin humaplos at gumapos.
***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...