Wakas
Mula nung simula,
bumuo tayo ng alaala
kaya't mas nagkabutihan
ngunit ito'y may hangganan.Lahat naman ay nauuwi sa pagpapakilala,
at mauuwi sa masasayang memorya.
Subalit masusubok ang pagkakaisa
at mababatid kong may tiwala ba talaga.Kaya't akin ng tatapusin,
salamat dahil nagawa ko rin.
Mahirap man pero kailangan,
sapagkat ayoko ng maiwan.Sa malayong lugar ika'y natagpuan,
kahit hindi tayo nagkitaan.
Akala ko'y wagas ang pag-iibigan
magtatapos pala tayo sa hiwalayan.Kasalanan ko ba?
o sadyang kumalas lang talaga?
Kaya ito na ang resulta.
Sa ating mga ginawang maling bangkas
nauwi na sa paalam at tuluyang wakas.***
![](https://img.wattpad.com/cover/230987629-288-k462154.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesíaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...