TUWA AT LIGAYA
Naglakbay tayo nang sabay
nang magkahawak-kamay
Tila 'di mawari ang nadarama
Tanging balat mo ang mas nadadama
Nasilayan ang aliwalas mong mukha
Kakaiba't nakakamangha.Saan nga ba tayo tutungo,sinta?
Tanging ngiti ang tugon at ang mga maningning mong mata
Hinigpitan mo pa ang hawak
Bumulong ka pa, "Hindi ko hahayaan na ika'y mapahamak."
Tila naging kamatis aking pisngi
At tanging sayong salita ako'y nabingi.Tumigil tayo ng sandali
Niyakap ako nang mahigpit at binigyan ng kakaibang ngiti sa labi
'Di ko maipaliwanag ang iyong mga lambing, nakakatuwa,
sana palaging ganito yung ikaw at ako'y tunay na maligaya sa isa't isa.***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...