SAKIT AT PIGHATI
Humantong na nga sa 'di inaasahan
Ikaw at ako'y nagtalo dahil sa maliit na bagay
Ating pinagsamahan ay panay bangayan
Tila aabot ng isang araw ang hidwaan, sinta ano na ba ating lagay?
Niyakap mo ako ngunit humantong pa na tayo'y magkasakitan.Nagkakaroon na tayo ng lamat sa isa't-isa
Nagkakasugat ang ating mga puso dahil lamang sa maling kapasyahan
Naniwala pa sa iba
at pumanig nga sa'kin subalit dala'y pagdududa.
Tama bang panigan mo ang iba at ako'y iyong husgahan?
O' sinta tama pa ba iyong mga asta?Sa gabing kay lalim
At aking mata'y dilim ang nakikita
Sinta tama na ang panghihinakit,
maling akusasyon naman iyong binabanta.
At sa huli, hidwaan sa ating pagmamahalan ay nagsimula
at sa kanilang maling husga't paniniwala
ika'y nagpaakit.
***

BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
ПоэзияMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...