ASARAN
Hindi naman nawawala ang ganitong pagkakataon,
sa bawat araw kasi doon natin nakikilala ang isa't-isa—may layon.
Sa relasyon ito'y parte na at palaging katambalan ng saya
ngunit kapag labis na ay anong sakit ang katumbas, may hidwaan na pala sa ating dalawa.
Subalit mas nanaig ang iyong kwela
kaya nagkaayos at sa away 'di nagpadala.
Madalas man akong mapikon sa mga asar mo,
lagi ko namang hanap basta ikaw ang may gawa—tanging ikaw mismo.
Kaya kahit na nakakainis ka, sinta
Ikaw lang aking mahal—bukod tangi't nag-iisa.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/230987629-288-k462154.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesíaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...