Nakasanayan
Simula umaga mensahe mo agad ang naalala
ngunit napagtanto ko wala na pala
sapagkat hindi na tayó
dahil ika'y nasa bago mo.Nasasabik ako sayong mga lambing,
kahit na minsan hindi ko alam ang punto mo.
Ngunit ika'y uunawain pa rin
dahil kaayusan ang nais natin.Lahat ng saya't tuwa ay sa isipan na lang talaga,
dahil hindi na maibabalik pa.
Hanggang doon na lang ang mga iyon
dahil ikaw ay hindi na akin ngayon.Kahit anong gawin ko,
ang nakasanayan ko hindi na akin
sapagkat tapos na ang atin
at ika'y hindi ko na pagmamay-ari pa.Kakalimutan na ang mga bagay na ikaw ang nagbibigay galak,
iisipin kong wala na ito, tanging alaala na lamang na walang kalakip na hakbang o pagbabalak.
At tatandaan na ang mga bagay ay 'di dapat panatilihin,
Sapagkat may mga senaryo na dapat hindi seryusohin.***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...