Sulat
Ating henerasyon ay taglay kakaibang modernasyon,
Ikaw at ako'y pinagtagpo – si tadhana ba'y may layon?
Sa bawat tipa ko'y 'di alintana na ikaw pala ang kausap,
ako naman 'tong nawiwili at bawat saglit ay aking nilalasap.Sumulat sa papel at nilahad aking nadarama.
At oo, pangalan mo'y kasama.
Sinulat ko "SANA'Y MAKASAMA KITA,
MAKILALA PA KITA AT MAHAGKAN KITA."
Sana'y itong sulat ko dalhin sa alapaap,
at sayo'y mapunta at sa pamamagitan ng panalangin ang aking mabisang sangkap.Sulat ko na ikaw mismo ang paksa
at anuman ang mangyari ikaw lang nilalaman ng aking mga tula.***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesíaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...