94. Sa Aking Pag-iisa

66 1 0
                                    

Sa Aking Pag-iisa

Sa aking himlayan
ako'y naiwan
at nag-isip
sa mga bagay-bagay na ano bang mga punto?
Ang gulo!

Wala naman akong maunawaan,
tanging mga ingay lang sa kapaligiran
ngunit napangiti ng sandali
ikaw muli itong nasagip ng isip.

Kalungkutan sa'kin ay namalagi,
at kahit anong gawin ko
ako'y nalulubay sa ating kinahantungan
tila nanghihinayang, ngunit tama naman na ito'y wakasan na.

Isip ko'y masyadong magulo,
pati puso kong hindi malaman ang punto
sana'y mahanap muli ang sarili
at matigil na ito't muli na rin ngumiti.

Ganito talaga kapag nag-iisa,
masyado rin nag-aalala
at hindi mapakali sa isang tabi
at aalahanin pa ang bawat sandali.

Kaya't ako'y pipikit,
at sandaling tatahimik
baka sa aking pagtulog
makita ko rin na ako'y mabuo muli kahit sa panaginip.


***

100 Tula Para Sa'yo  (/)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon