Hindi na
Hindi na iisipin,
at aking susubukin't sisikapin, ang dapat kong gawin.
Hindi na magpapakalunod sa noon
at tatanggapin ang mayroon ngayon.
Hindi na hahayaan na masaktan pang muli.
Hindi na ikaw ang pipiliin sa huli.
Hindi na ikaw ang dahilan ng punto ko,
dahil ayoko nang namnamin ang dating tayo.
Hindi na luluha na ikaw ang dahilan
dahil nabatid ko na, ito ang katotohanan na ngayon ko lang nalaman; Ako'y lubusang umasa't nasaktan.Isip na ang mas paiiralin,
hindi na pusong laging nakabase lang sa damdamin.
Hindi na muling babalik,
sa mga pananaw mong iba ang salik.
Hindi na.
Hindi na talaga.***

BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesiaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...