37. Pagsuyo

17 1 0
                                    

Pagsuyo

Simpleng mga  lambing mo ang laging inaasam,
mga yakap at halik mo na nagpapakalma sa'king sistemang puno ng agam-agam.
Sa pagsasabi mo ng salitang "mahal kita" ay susi para bumalik sa katinuan,
ito'y kataga na nagmamarka sa akin sa katotohanan.

Ang pagkukusa mo ang aking inaantay,
na batid ko bihira sayo sumalakay
mga pagkakataon na ang hirap ipaliwanag
tila ito'y matinding gapos na sa'tin ay nakabitag.

Lambing mo ang kailangan ko,
hindi sermon na hahantong sa pagtatalo.
Isantabi na ang mga bagay na batid nating panimula ng away,
halika na muna sa'king tabi, ipulupot mo ako sayong bisig at sa'kin ay maglakbay.

Pagsinta mo ang pairalin,
hindi kung ano-ano na tila panggulo at kalituhan
sa ’tin.
Mag-usap tayo nang maayos,sinta
at wakasan na ang nakakaumay na bangayan—Mag unawaan't magkaisa.

***

100 Tula Para Sa'yo  (/)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon