Ayoko na, Pakiusap
Huminga ng malalim
at pinilit kumawala sa dilim
pilit kumalas sayong mga alaala
mga alaalang gumagapos pa rin sa akin,sinta.
Pakiusap, tumigil ka na.Ayoko na,
ayoko ng manatili sa nakaraan
at ayoko ng dalhin ang pasanin sa kasalukuyan.
Pakiusap, lisanin mo na.Kapag ako'y nag-iisa
puso'y nagwawawala
ikaw pa rin ang hanap,
bakit ba gusto kitang makausap?
Muli, pakiusap ika'y lumisan na.Lumuluha na naman ako,
ikaw na naman ang dahilan nito.
Ano bang mayroon ka?
at hanggang ngayon ikaw pa rin ang paksa ng aking tula.
Pakiusap, tama na.Ito na ang huli, ayoko na!
Pipilitin kong kumawala
kahit na mahirap, hindi na muling magpapadala
at oo ayoko ng magpatala—
TAMA NA!***
![](https://img.wattpad.com/cover/230987629-288-k462154.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesíaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...