Alaala
Ang sarap balikan
ang mga alaala ng ating nakaraan
Ngunit hindi na dapat,
dahil ito ay natuldukan na at pagtanggap na ang dapat kong itapat.Mga panahon na kailan lang natin binuo,
nagkakagulo pa nga dahil masyado kasi tayong seryosopero aminin mo, lahat naman ng mayroon tayo
ay pawang ikaw at ako ang nagmahalan
at tayó rin naman ay naging totoo.Subalit, sa paglipas ng panahon
lahat ng iyon ay nag-iiba ang layon
nawalan ng saysay lahat ng ating mga aksyon,
at darating sa punto na hindi pala boto ang tadhana—
ito ay hindi sang-ayon.Ngunit hahayaan ko na lamang, sinta
kahit masakit ang ating huling pagkikita,
salamat pa rin dahil tayo'y nagkakilala
at itutula ko na lang ang huling kong paalam—
Salamat sa mga alaala.***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesiaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...