Bulong ng Isip
Gabi–gabi ako'y nagigising,
mula sa aking mahimbing na pagtulog tila ako'y nabibingi.
Napapaisip ng kung ano-ano,
lumuluha nang biglaan dahil sa mga bulong na 'di malaman kung ano ang mga punto.Mga salita't pangungusap na mula sa nakaraan,
tila mga tanong na naghahanap ng mga kasagutan.
Bakit ba kailangan ko pang danasin ito?
Alam ko naman na ikaw lang naman ang dahilan ng mga 'to!Kaya tanging pagtawag sa Ama aking naging aksyon,
na sana'y tuldukan na kung anuman ang ating mga ugnayan.
Ayoko nang maalala pa ang ating kasawian,
ngunit salamat sa memorya nagbigay sa akin ng mga aral.Salamat sa pagmamahal
at salamat sa'yo.***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesíaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...