Ito ang Talang Naiwan
Sa ilang buwan na nagdaan,
narito pa rin ang mga nakasanayan.
Mga bagay na nagdadala sa akin sa'ting nakaraan,
mga nakagawian na tila hinahanap ng aking puso't isipan.
Ito yung mga mensahe na nagpapagaan sa aking kalooban,
nagbibigay rin ng kasiyahan sa aking pang-araw-araw na kalagayan.
Hindi ko naman nais maiwan,
ngunit sana unti-unti na itong wakasan.
Matapos na ang nag-uugnay sa'ting dalawa,
dahil tama na, wala ng tayo tanging mga alaala na lamang ang mga ito.
May iilan man na mga bagay ang naiwan,
ito'y nanatili pa rin sa tala sa'ting kalawakan.
Kaya't sana matanggap ko na ang kabuuan,
ang kabuuan na kailangan ko sa kaliwanagan—
Tama na sa nakaraan!***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PuisiMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...