Bulong
Kakaibang tinig na naman ang lumitaw,
tila salita na naalala ko gaya ng iyong pagbitaw.
Sa pag-ibig natin na akala ko'y walang hanggan,
isang pagkakamali pala dahil nais mo na palang wakasan.Nakakabingi ang iyong mga pinagsasabi,
ito'y nagiging dahilan para mawalan ako ng ngiti sa labi.
Nakakapanghina dahil nagaganap na,
Ang lahat ng mayroon tayo ay alaala na lang pala.Tumindig ako at pumikit sandali,
pilit kong winawaglit ang lahat kahit hanggang sa huli.
Sa ating mga alaala na kay saya't tamis.
Ngunit ngayon ito'y bulong na lang ng nakaraan na dapat ng maalis.Bulong ko sana'y iyong dinggin,
mahal kita 'yan ang huli kong katha na sana'y sa puso mo'y itabi—
Ikaw lang kasi ang lahat sa akin.***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoetryMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...