Limitasyon
Tayo'y malaki na,
alam na ang mali't tama.Sabihin mo agad kung ayaw mo,
para hindi ako mangulit at ipilit sayo ang gusto ko.
Alam ko naman aking hangganan,
sana lang magsabi ka para tayo'y nagkakaintindihan.Lahat ng bagay may dahilan,
pero, sa pagmamahalan kailangan nagsasabihan.
Komunikasyon ating mabisang samdata.
Sapagkat, ito lang ang patunay na tayo'y nagkakaisa.Kilalanin pa natin ang isa't-isa,
para alam nating ang galaw ng bawat isa.
Tulungan lang sana,
dahil mahal kita 'yan ang gusto kong malaman mo, sinta.Salitang 'limitasyon' para sa ayaw ng seryosong pag-iibigan,
Ito'y binibigay sa taong nais lamang ang kalayaan.
Nagmahal ka, kaya dapat alam mo ang lahat sa kanya.
Pang-unawa ang ibigay para walang sakitan na maganap at hiwalayan, sinta.Alam kong magkaiba tayo,
ngunit sapat na ba 'yon na rason para ika'y magsikreto?
Hindi ako iba, alam mo 'yon.
Pero, pinapaalala ko lang ang limitasyon natin na umiwas sa makakasira sa atin.Sapagkat nais kong maayos tayo,
hindi lubusan matapos at mawala ang mayroon tayo.***
![](https://img.wattpad.com/cover/230987629-288-k462154.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesiaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...