Miss na Kita
Boses mong liriko sa'king pandinig
Hindi nakakasawa at sarap ulit-ulitin tila ito ay kakaibang tinig.
Sandali ka lang naman nawala
ngunit siglo para sa'kin at ako'y nasasabik na sayo,sinta.
Panahon man natin hindi matugma
at abala ka sa maraming bagay,iintindihin pa rin kita.
Sabik na akong makausap ka,
malasap muli ang mga kuwento mong nakakamangha.Miss na kita, alam mo ba iyon sinta?
Bakit ba antagal mo? Nasaan ka ba?
Miss na kitang mahagkan at halikan.
Kahit palagi mong pinaparamdam sa'kin ang iyong katagalan.
Nais ko pa rin ibigay itong halik na puno ng pagmamahal
Halik na ikaw lang talaga, mahal.Ngunit, hanggang dito na lang.
Mananatiling salita dahil wala na ang mayroon tayo-nakakahinayang.
Wakas na ang ating kuwento,
pero salamat sa lahat ng alaala na ikaw at ako ang nilaman nito.
***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesíaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...