Ikaw pa rin
Sa gabing ako'y nagigising,
dahil sa ingay ng mga lasing
ikaw pa rin aking dinadaing
na sana'y magbalik muli sa akin.Ngunit kahit mawala na ang buwan,
at palitan ng liwanag ang dilim sa kalangitan
hindi na magbabago pa ang mayroon tayo
dahil matagal ng natapos ang salitang TAYO.Kahit humagulgol at isigaw pa iyong ngalan,
wala ng babalik dahil alaala na lamang ito ng ating nakaraan.
Wakas na ang ating istorya,
at natuldokan na ang masasayang yugto ng ating pagmamahalan,
Tapos na nga!Kahit lumuha pa ako nang lumuha,
at isigaw ko sa mundo na MAHAL KITA
ano pa bang saysay ng aking mga wika?
Hindi na rin naman magiging tayo dahil may iba ka na.Hanggang dito na lang aking lathala,
Ikaw pa rin naman sa huli kong katha.
Mahal kita pakitandaan,
ikaw lang hanggang sa dulo ng walang hanggan.***
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesiaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...