Paghilom ng Sugat
Sa bawat pighating nadarama
Ikaw lahat ang tanging naalala
sa sakit na dinulot mo
lahat ng iyon ay puro aking pagkabigo.Hindi malaman ang dulo,
tila sa lahat ng ating masasayang nabuo
nawala't naglaho
puro sakit ang nandito sa puso.O'puso hanggang kailan ka patuloy na magdudugo?
Nais mo ba talaga akong makaramdam ng pagkalito?
Pagmamahal ko sayo lang talaga inalay
ngunit nasayang at nabaliwala sayong buhay.Hayaan mo ito na ang huli,
at sa huling luhang papatak hindi na ikaw ang dahilan muli.
Pasya ko'y aayusin,
para naman hindi na ako masaktan ulit.Panahon ay lilipas din
at sa huli ako'y buo na rin.***
![](https://img.wattpad.com/cover/230987629-288-k462154.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa'yo (/)
PoesiaMga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o rason. Salita na iniwan at para makuhanan ng leksyon. Salitang bibitiw kapag natapos na ang dulo. Nanatiling...