It's a new day it means new memories
Pagmulat na pagmulat ko ang mga salitang iyon agad ang pumasok sa aking isipan kung kaya't napangiti ako ng wala sa oras at napatingin sa salamin sa kaliwang bahagi ng aking kwarto. Hindi ko naiwasan hangaan ang angking kagandahan char.
"Bakit kaya sobrang ganda ko" pagkatapos kung puriin ang aking sarili kinuha ko na ang aking tuwalya sa likod ng pintuan ko at pumunta na sa cr upang maligo ngunit na unahan na ako ni kuya Wren kaya dumiretso nalang muna ako sa hapagkainan at agad ko namang nakita si papa na nagbabasa ng dyaryo at habang si mama naman ay naghahanda ng pagkain sa mesa.
"GOOD MORNING" masiglang bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi nila mama at papa hindi naman nagtagal ay sinuklian naman ako ni papa ng matamis na ngiti habang si mama naman ay nilagyan ang plato ko ng sunny side up, fried rice at bacon hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nilantakan na ang pagkain na nilagay ni mama pero syempre nagdasal muna ako bago kumain.
"Zemirah anak, three months from now graduation mo na anong balak mo pagkatapos maghahanap ka ba agad ng trabaho o magpapahinga muna?" tanong ni mama sa akin kaya na patigil ako sa paglantak sa masarap na breakfast dahil sa tanong ni mama. Hindi ko naman naiwasan mapangiti dahil sa magandang balita. Yes, three months from now matatanggap ko na sa wakas ang pinaghirapan ko sa apat na taon. Lahat ng sakripisyo, paghihirap ay masusuklian na rin at alay ko ito sa aking pamilya na nagtaguyod sa aking pag-aaral.
"Magrereview po para sa exam tapos pahinga po mga isang taon tapos siguro maghahanap na agad ng trabaho para makatulong na po agad ako sainyo at hindi na kayo masyadong mahirapan" sagot ko kay mama na hindi maitago ang galak sa aking tinig.
"Tamang-tama uuwi si ate Peyton mo sa graduation mo ganun din si Kuya Dwei mo" sabi ni papa hindi ko namalayan na ubos ko na pala ang pagkain ko kaya nasa kanila mama at papa na ang lahat ng atensyon ko.
"TALAGA PO?" hindi ko maiwasang mapasigaw sa tuwa dahil sa wakas magiging kumpleto na ulit kami kahit sa graduation ko lang. Tumango naman sila mama at papa kaya hindi ko naiwasan mapasinghap.
"Anong meron? Mukhang nagkakasiyahan kayo ah" dahil sa sobra tuwa hindi ko na namalayan ang pag-upo ni kuya Wren sa tabi ko kung hindi pa siya nagsalita.
"Masaya lang si bunso dahil malapit na ang graduation niya" si papa na ang sumagot sa tanong ni kuya Wren habang umiinom sa kanyang kape.
"Napakasaya ko mga anak sa wakas lahat kayo ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Panatag na kami ng papa niyo" sabi ni mama na hindi naitago ang mahinang paghikbik niya. Kaya agad akong tumayo para yakapin si mama.
"Tahan na ma, alam ko tears of joy ya pero wag muna tayo magdrama pagnakuha ko na yung diploma ko doon na tayo mag-iyakan" pagpapatahan ko kay mama hindi ko man maitago ang mahinang hikbi ngunit alam ko sa aking sarili na masaya ako dahil sa wakas makakatulong na din ako sa kanila. Nagtuloy-tuloy pa ang aming pag-uusap sa hapag ng mapagpasyahan ko ng maligo at mag-ayos dahil may upcoming final exams pa kami at practice para sa graduation. Hindi ko maipagkakaila na excited na ako para sa graduation at maibigay ang pinaghirapan nila mama at papa sa pagpapaaral sa akin.
"Ang ganda-ganda mo talaga Zemirah" pagpupuri ko sa sarili habng nakatingin sa life-size mirror pinisil ko pa ang pisngi ko para siguradohin na ako talaga ang nasa salamin. Aaminin ko GGSS talaga ako. Pero hindi naman maipagkakaila na maganda ako madami naman kasi ang nagsabi at madami-dami na rin ang nanligaw sa akin. Tumingin ako ulit sa salamin bago lumabas ng kwarto.