Pagkatapos ng pangyayaring iyon sa pagitan namin ni Isaac Ace hindi na niya na ako kinulit. Magdadalawang linggo na niya akong hindi kinakausap o nilalapitan man lang at two days from now graduation na namin at super excited na ako.
"So guys ito na talaga woooooh" sabi ni Aria nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Willow.
"So saan tayo?" eto na naman sila tengene
"BAR HOPPING" sigaw naman ni Harper tengene harper hindi pa ba you sawa sa bar?
"Kayo bahala sasabay nalang ako" sabi ko sa kanila. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiikwento ang nangyari sa pagitan namin ni Isaac at mabuti naman at hindi nila napapansin ang iwasan namin. Nagcecellphone ako ngayon busy sa pagscroll-scroll ng may nagpop up na message request kaya binuksan ko agad at napasinghap ako sa pangalan ng taong nagmessage sa akin it was Isaac after two weeks nagparamdam siya. I was scared at first to open his message but out of curiosity I opened it.
"See you soon baby" yun ang nakalagay na message. What does he mean about seeing me soon. Okay na ako sa situation namin na nag-iiwasan. Nakaramdam ako ng kaba ayoko na madawit sa kanya. I'm in peace now. So ano pa ba ang kailangan niya sa akin.
"Are you alright Zemirah girl? Your face is so pale like you have seen a ghost" napansin pala ni Avery ang biglang pagtahimik ko
"Wala to hahahahaha ano ka ba excited kasi ako sa papalapit nagraduation" sagot ko kay Avery na may kasama pang pagtawa para lang mapaniwala siyang okay ako. Pagkarinig ni Avery ng sagot ko bigla na naman silang nagingay at nagpatuloy na sa kwentohan nagpayabangan pa sila. Hindi ako nagreply kay Isaac at nagpatuloy sa pagscroll-scroll hanggang sa nagpop up yung message ni Cree. Kaya binasa ko agad.
"Hey Riri, labas tayo kain" basa ko sa message niya may smily face pa kaya napangiti naman ako. Simula nangyari sa Angel's cafe nagkaroon ulit kami ng communication ni Cree at ilang ulit na din kaming nagkasabay sa paggagala at ngayon niyayaya niya nanaman ako.
"Girls, alis muna ako may gusto ba kayong ipabili?" tanong ko sa kanila dahil makikipagkita ako kay Cree masaya naman kasi siya kasama. Tinanong ko na rin ang mga kaibigan ko total magslesleep over kami dito sa bahay nila Willow.
"Kahit ano basta foods magmomovie marathon tayo mamaya" sabi ni Willow tumango nalang ako at humalik na sa mga pisngi nila. Habang nasa byahe ako papuntang mall dahil na napagpasyahan naming magkita sa crispy cremé na store. Bigla na namang nagpop up ang pangalan ni Isaac and I accidentally open it. Nanlaki ako sa message niya.
"I have eyes everywhere so don't do anything stupid" yun ang message niya natakot ako kaya itinago ko na lang ang phone ko. Does he knew na magkikita kami ni Cree? Ah bahala na ano ko ba siya. He is just nothing to me. Pagkapasok ko sa mall dumiretso agad ako sa napag-usapan namin ni Cree. Nakita ko naman agad siya kaya lumapit ako sa kanya.
"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya umiling naman siya at pinakita ang binili niya
"Akala ko sa loob tayo kakain?" tanong ko dahil nagtake out siya
"Nood tayo ng sine" sabi niya tumango naman ako tamang-tama showing ang avengers.
"Sure, tara" pagkasabi ko nagsimula na kami lumakad habang nagkwekwentohan panay naman kami sa tawanan dahil sa mga kwento niya. Hanggang sa nakabili na siya ng ticket at papasok na nga kami sa cinema 6. Nasa kalagitnanan na kami ng panonood ng may nagvibrate kaya kinuha ko kaagad ang phone ko. Napasinghap ako ng mabasa ko ang mensahe
"Don't get to close with him I may not control myself and gonna kill that motherfucker" sabi ng message it sent shivers through my spine. Hindi ko alam pero nanginig ako sa takot dahil sa isang mensahe na iyon. Hindi ko talaga alam kung anong gustong mangyari ni Isaac at ginaganto niya ako. Natapos ang movie na hindi ako mapakali ilang beses akong tinanong ni Cree pero hanggang iling lang ang nasagot ko.
"Uwi na tayo?" tanong ni Cree pagkalabas namin ng cinema tumango naman agad ako at nauna ng naglakad ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan niya ang kamay ko at sumabay sa paglalakad ko. Kukunin ko na sana ang kamay ko ngunit mas hinigpitan niya ang paghawak niya sa akin kaya hinayaan ko nalang since I feel secure nahawak-hawak niya ang kamay ko. Pakiramdam ko walang taong makakapanakit sa akin even Isaac Ace. Nakarating kami sa parking lot ng matiwasay at pinagbuksan niya rin ako ng pinto sa front seat and I gladly accepted it. Nasa byahe na kami patuloy lang kami sa pag-uusap ng kung ano-ano.
"Saan pala kita hahatid?" tanong saakin ni Cree
"Kila Willow nalang magslesleepover kasi kami" sabi ko sa kanya. Hala nakalimutan kong bumili ng foods kaya ng makakita ako ng isang convenient store ay pinahinto ko muna si Cree. Sasamahan pa sana niya ako ngunit sinabi kong kaya ko na, kaya hindi na siya bumaba at ako nalang ang pumasok sa convenient store. Nasa loob na ako at kumukuha ng pagkain nakaramdam ako na may tumitingin sa akin kaya tumingin-tingin ako sa paligid ngunit wala namang tao kaya nagmadali na lamang akong pumunta sa counter at nagbayad baka kasi inip na si Cree. Pagkalabas ko nakita ko agad si Cree nakasandal sa gilid ng sasakyan niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pakatitigan siya. Hindi ko masisi sarili ko na nahumaling ako sa isang to dati napakagentleman, sweet at napakacaring bonus na sobrang gwapo pa niya kaso gago ngalang. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kung kaya't napatingin siya sa aking direction at ngumiti siya at pumunta na sa side ng front seat upang pagbuksan ako. Nasa byahe na ulit kami ni Cree at naaninag ko na ang bahay nila Willow.
"Oy, mag-iingat ka sa daan ha" paalala ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit at dala kong pagkain ngumiti naman siya tamang tama huminto na sa harap ng bahay nila Willow ang sasakyan niya. Bababa na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
"Thank you for this day Riri" pagkasabi niya nun ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis but to my surprise he leaned at me to kiss my cheeks after niya gawin iyon I felt my cheecks burn kaya dali-dali akong lumabas at sinirado ang pinto ilang sandali naman ay pinaharurut na niya ang kanyang sasakyan kaya kumaway-kaway nalang ako sa kanya. Tatalikod na sana ako upang pumasok sa gate nila Willow ng may kumaluskos sa mga puno kaya napatingin ako. Ngayon ko lang narealized ang creepy pala dito pag-gabi dahil sa dami ng aking mga dala nahirapan akong buksan ang gate. Ngunit nabigla ako ng may humatak sa aking kamay at kinaladkad ako sa madilim na parte at kinorner ako sa isang puno. Napasinghap ako ng hinalikan ako ng taong nagcorner sa akin ngunit ng tumagal at naamoy ko ang pabango niya napagtanto ko na si Isaac pala ang humatak saakin dito sa madilim na parte. I tried to break free from him but he was too strong so I let him kissed me hanggang sa magsawa siya.
"I told you YOU. ARE. MINE" pagkatapos niya akong halikan ay nagsalita siya enemphasized pa niya ang tatlong salita niya sa huli.
"Please Isaac just leave me alone, please I am begging you" sabi ko habang hinahabol ko ang aking hininga.
"How?" yun lang ang lumabas sa kanyang bibig
"I don't want to have any connection with you. So, please leave me alone" my voice was pleading but his answer was a big dismay
"I'm sorry" yun lang ang sinabi niya at pinakawalan na ako kaya mabilis ko siyang tinulak at nagtatakbo sa gate nila Willow sabay pulot lahat ng gamit ko at tumakbo na papasok sa bahay nila.
"Hey girl, you okay? Bakit parang hinabol ka ng sampung aso dahil sa pawis na pawis ka" bungad na tanong ni Harper pagkapasok ko sa bahay.
"Wala natakot ako kasi andilim pala sa labas at kila Willow lang ang bahay na may ilaw" sabi ko kay Harper habang inilalapag ko ang mga dala-dala ko tumawa naman siya kaya dumiretso na ako sa kwartong tutulogan namin at kumuha ng pampalit dahil maliligo ako. Natagalan ako sa pagligo at paglabas ko bagong simula palang ang movie na papanoorin namin ng mga kaibigan ko. Tumabi ako kay Aria at binigay naman agad niya sa akin ang isang chip kaya kinuha ko naman iyon. Bahala na sa susunod na araw ko nalang iisipin ang mga pagbabago kay Isaac.
