Ngayon ang huling araw ng finals kaya halos lahat ng estudyante ay nagdiriwang dahil may kanya-kanya na silang plano kung ano ang kanilang gagawin after ng exam.
"Girls, saan tayo after exam?" tanong ni Aria habang kumakain kami
"BAR" sabay na sigaw ni Harper at Avery
"Yes, party party" dagdag naman ni Willow habang tinataas ang kamay na common na ginagawa kapag nasa bar ka. Tumango nalang kami ni Aria bilang pagsang-ayon
"So mamaya anong oras tayo lalabas?" tanong ni Aria
"Party starts at midnight so mga 10?" sabi ni Harper obvious na party girl
"Sige" sagot naman ni Willow ngumiti nalang ako at napatingin sa relo nakita kong magtitime na
"Guys tara na twenty minutes nalang time na review muna tayo maya na tayo magcelebrate" sabi ko sa kanila tumango naman sila ng sabay-sabay at nagkanyang alisan na. Nandito na kami sa room nila Aria at Avery wala pa yung instructor namin na magbibigay ng dalawang exams kaya nagreview pa ako. Habang nagrereview hindi ko naiwasan mapatingin sa labas ng room at sa hindi inaasahan nakita ko si Isaac na tumatawa kasama ang isang magandang babae. If I am not mistaken si Zuri Haven Miller kaklase nila Willow at Harper. Anong ginagawa ng isang nursing student dito sa building namin? Hmmmm nakita ko ang tawanan nila aba mga walang hiya. Nakakabadtrip silang tingnan parang dumi nakakairita sa mata. Pinagpatuloy ko na lang ang pagrereview hindi naman nagtagal ay naramdaman ko naman na may taong naupo sa likuran ko pumasok na siguro ang abnong Isaac kaya sinulyapan ko ng palihim at tama nga pumasok na siya. Ilang minuto lang ang nakalipas dumating na ang instructor at nagbigay na ng exams. I finished my exam ahead of time dahil halos ay nareview ko ang nasa exam kaya pachill-chill lang ako sa upuan ko. Hanggang sa natapos na ang lahat at nagsiuwian na. Magkasabay kaming lima at nag-uusap kung anong oras kami magkikita-kita. Napagdesisyonan namin na magmeet ng 9:30 at magpapahatid kami kay kuya Hector kuya ni Harper. Nakauwi na ako ng bahay at Nagtuloy-tuloy sa kwarto at inihanda ang susuotin ko mamaya. Ang napili kong suotin ay isang black fitted tube dress paired with wedge na kulay itim din. Nagpahinga muna ako dahil maaga pa naman. Nagdinner na rin ako at nakapagpaalam na okay naman sila mama kaya ngayon nagaayos na ako sapagkat seven pm na tamang-tama na 9:30 kami magkikita susunduin naman daw ako nila Harper kaya naghintay ako sa sofa. After 30minutes tumawag si Harper na ready na ako kasi malapit na sila kaya nagpaalam na ako kila mama
"Ma, kila Harper po ako matutulog" tumango naman si mama at pinaalalahanan ako
"Wag magpakalasing bata pa kayo at diretso uwi" sabi ni mama saakin tumango naman ako at hindi naman nagtagal ay may bumusina sa labas kaya lumabas na ako at tama nga sila Harper na nga at ako nalang ang hinihintay. Pagkasakay ko hindi ko maiwasan mamangha dahil mas gumanda sila sa mga suot at make-up nila. Si Aria na ka Red tube top matching a short-shorts and red stiletto at may kaunting make-up. Si Avery naman ay nakanavy blue fitted dress na maikli with matching black stiletto and kaunting make up. Si Willow naman nakagreen sleevless crop top and high waist black skirt with green wedge at may kaunting make up and lastly si Harper na naka Maroon tube dress na may slit sa kanang bahagi sexy at black stiletto. Over all lahat sila magaganda sa kanya-kanya nilang suot at styles. Habang nasa loob ng sasakyan ay nagpapatugtug kami ng malakas na music at nakikisabay habang tinataas ang aming mga kamay. Hindi namin namalayan huminto na pala ang sasakyan sa sobrang pag-eenjoy namin.
"Girls, susunduin ko kayo ng 1am maliwanag ba? And mag-iingat kayo siguradohin niyo nakumpleto kayo pagsinundo ko kayo" sabi ni kuya Hector tumango-tango naman kaming lima
