CAT

22 6 0
                                    

Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay iniwan niya akong tulala hindi ko alam kong ilang minuto akong tulala pero ng makabalik ako sa kasulukuyan ay dali-dali kong inayos ang mga gamit ko dahil alas syete na ng gabi. Ngayon lang nagsink in sa akin ang ginawa niya kung kaya napasigaw ako sa hallway. Tengeneng lalaki nakaisa yun sa akin ah. Humanda talaga siya sa akin bukas. Naglalakad na ako patungo sa sakayan ng jeep habang nagpapadyak. Mabuti nalang mabilis akong nakasakay ng jeep at hindi ako tumagal doon dahil ba ka mas mabadtrip ako sa ginawa niya.  Alas syete na ng gabi at madilim na gutom pa ako.  Nabawasan naman ang pagkainis ko ng maaninag ko ang bahay namin hindi kalayuan. Humanda na ako sa pagpara, pagkababa ko ay dali-dali agad akong pumasok sa bahay. Tamang-tama lang yung dating ko dahil kakatapos lang ni mama ilapag yung hapunan namin.  Nilagay ko lang yung bag ko a sofa at umupo na sa hapagkainan.

"Oh, anak andyan ka na pala. Ginabi ka yata? Nga pala kamusta ang araw mo? " tanong ni mama ng mapansin niya ang pag-upo ko.

"Okay lang naman po pero inatasan ako ng Dean ng department namin na may itututor po ako" sagot ko naman sa kanya at nauna ng kumain dahil gusto ko ng magpahinga.  Mahaba-haba ang araw ko ngayon dahil sa mga pinanggagawa ni Isaac. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto at nahiga muna dahil naisipan kong maghalf bath.

"Hayst, ah ewan basta i'll get even" bulalas lo habang nakahiga hindi talaga mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina sobrang bilis lang ng pangyayari.  Nagging instant tutor niya ako tapos na kaisa pa siya.  Just wow.

"ZEMIRAH ANAK, MATULOG KA NA NG MAAGA"  narinig ko ang sigaw ni mama sa labas pero hindi na lang ako sumagot sa kanya pero hindi nagtagal ay kinuha ko na ang towel ko at lumabas na para pumunta sa cr.

"So, anak balita ko ikaw ang inatasan ng Dean niyo na magturo sa isa sa mga kaklase mo. Lalaki ba yan?  Hahahaha mana katalaga sa akin" litanya ni papa ng makasalubong ko siya malapit sa cr ngumiti nalang ako at tumango kaya masbhumalakhak siya.  So, I just shrugged my shoulder.

"Syempre naman Hon, mana ata yan sa akin maganda na matalino pa. Kaya nga patay na patay ka sa akin sa kapanahonan natin eh" narinig kong sigaw ni mama na sa hambana ng hagdanan

"Hahahahaha Hon, mahal kita pero sigurado akong saakin nagmana ang anak natin dahil sa akin ka lang naman kumukuha ng sagot mo sa mga assignments natin hahahahaha" depensa naman ni papa kay mama kaya napabusangot ng husto si mama.  Sana all kahit na may edad na sila ang sweet-sweet pa rin nila.

"Ma Pa, sigurado akong mixed breed ako"  sinabi ko nalang yun para matapos na ang kulitan at makapaghalf bath na ako.  Dumiretso na ako sa cr pero rinig ko pa rin ang harutan nila ni mama at papa.  Kaya napabungisngis ako habang naghahalf bath.
_________________________________

BZZZT BZZZT BZZZT

Pagkarinig ko ng alarm clock ay pinatay ko na agad at wala sa sariling na patingin sa kisame ng aking kwarto hindi ko kasi alam pero ang pangit ng pakiramdam ko parang wala ako sa mood lalo pa at naalala ko ang ginawa ni Isaac kaya mas napabusangot ako.  Kahit wala sa mood ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na pumasok kahit na nakabusangot ako.

"Hey Zemirah girl, are you alright why sad?" agad na bungad sa akin ni Avery pagkapasok ko ng classroom ngumiti na lang ako ng matamlaybat tumuloy na sa upuan ko.  Mabuti naman at hindi na si Avery nangulit pa.

"Hey, you look pale are you okay?" pagkaupo ko nagtanong agad ang isang tae sa likuran ko tinapunan ko lang siya ng isang tingin at bumalik sa front kung asaan ang white board.

"We will continue our tutor after class, is that okay with you?" sabi ko sa kanya na hindi nakatingin sa kanya wala naman akong sagot na nakuha kaya naghalumbaba na lang akonsa desk ko.

"HEY GUYS" hindi naman nagtagal kay sumigaw yung isa naming kaklase kaya napaupo ako ng maayos dahil akala ko andito na yung prof namin hindi pala may announcement lang.

"NAG-ANNOUNCE SI MS. LOGAN NA WALANG KLASE SA KANYA NGAYON DAHIL NAGKAEMERGENCY MEETING" announce ng kaklse namin na tumitingin sa phone niya.  Nagsigawan naman ang iba naming mga kaklase yung iba lumabas na atnyung iba ay nagpatuloy lang sa ginagawa nila.

"Hey, let's continue our lesson yesterday para matapos na agad at hindi na kita maabala" sabi ng taong na sa likod hudyat na tumango ako na nakatalikod sa kanya.  Tumayo na ako at lumapit sa mga kaibigan ko para magpasama sa pagrereview namin para hindi niya ako mapagtrippan.

"Girls, samahan niyo naman ako, magrereview kami ni Isaac doon sa may benches malapit sa fountain" bungad ko sa kanila tumango-tango naman sila at humawak sa magkabilang braso ko.

"Mauna na kayo girls bibili lang ako ng mga pagkain" sabi ni Isaac sa hambana ng pintuan tumango na lang ako kaya umalis na siya at kami nagsimula ng maglakad papuntang benches na malapit sa fountain.

"Hey, Ave kayo pa ba ni Jordan?" pagkaupo namin sa bench na pinili namin nagopen topic agad si Aria ng topic regarding sa mga lalaki ni Ave.

"Of course not he was a waste of my time. Napakaimmature niya omg" hindi maipintang sagot ni Avery kay Aria.

"Kaya pala nakita ko si Kate at Jordan na naghahalikan sa parking hahahaha" casual na sabi ni Aria nanlaki naman ang mga mata ko pero si Avery chill lang parang walang paki.

"Zemirah girl, kanina pa you ganyan are you okay" saakin naman si Avery nagtanong napansin niya sigurong matamlay ako dahil hindi ko sila sinasabayan sa mga pinag-uusapan nila.  I just shrugged my shoulders.

"Guys here's the food kumuha nalang kayo ng gusto niyong kainin" pagkadating ni Isaac nilapag niya agad na ang mga pagkaing dala niya.  Wow, andami may donuts, chichirya,  pizza at iba't ibang klase ng inumin.

"Let's start" yun na lang ang sinabi ko ng makaupo siya nilabas ko naman agad ang reviewer at sinimulan na siyang turuan. Mabuti nalang mabilis siya turuan kaya binigyan ko siya ng exercises habang kaming tatlo ay kumakain ng bili niya.

"Done" rinig kong sabi ni Isaac kaya tumingin ako sa kanya at kinuha ang papel niya para icheck kong tama nga ba lahat.

"Hoy Isaac bakit ganito sagot mo sa number seven mali to oy" sabi ko sa kanya ng makita kong mali ang sagot niya sa #7.

"Tama yan ano ka ba, ikaw yung nagtuturo pero mali yung computations mo" walanghiya sumagot pa talaga.

"Hindi tingnan mo tama yung computations ko yung sayo ang mali" pagiinsist ko ng computations ko pero hindi pa rin siya tumigil.

"Sigurado akong tama to ikaw nagturo nito eh" depensa niya sa sagot niyang mali.

"Ano ba Isaac mali nga yan ulitin mo kasi hindi naman kasi maiintindihan yang papel na pinagcomputan mo dahil sa sobrang daming sulat sa tabi" sabay pakita ng papel na pinagcomputan niya kinuha niya naman agad iyonbat pinunit at nag-umpisa ng magcompute ulit.

"Guys CR muna ako naiihi ako" pagpapaalam ko sa kanila at nagsimula ng tumayo.

"Samahan kita gusto mo?" suggest ni Aria pero naghand gesture ako na hindi na so naglakad na ako patungo sa CR ng  may biglang yumakap sa akin sa likuran ko.  Pipiglas na sana ako ng may binulong siya kong kaya ako na mismo naginitiate na wag niya akong bitiwan at tumuloy na kami sa CR ng mga babae.

"Tengeneng buhay pagminamalas ka nga naman" nasabi ko nalang pagkapasok ko ng CR.

Obnoxious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon