"Wag, may tagos ang puting palda mo" pagkarinig ko ng mga salitang iyon ay tumigil na ako sa pagpiglas at ako na naginitiate na wag niya ako iwan.
"Tengeneng buhay pagminamalas ka nga naman oh" bulalas ko pagkapasok ko sa CR. Tumingin ako sa salamin para makita ang tagos at ang dami. Kukunin ko na sana ang phone ko dahil magpapatulong ako kila Aria pero to my dismay wala akong dalang phone. Napaupo ako sa takip ng bowl, si Isaac nalang ang last resource ko kaya nagmadali na akong pumunta sa pinto ng CR pero wala akong Isaac na nabungaran.
"Bakit ba ang malas-malas ko" nauuyam na saad ko dahil baiiyak na talaga ako. Wala na, finished na talaga kaya humalumbaba nalang ako malapit sa sink.
"Hey Mirah, you okay?" sabi ng taong kumakatok sa labas ng pintuan kaya mabilis akong tumayo para pumunta doon at magpatulong napapuntahin sila Aria para tulungan ako.
"ISAAAAAAC" sigaw na bungad ko sa kanya pero bigla niyang nilagay sa mukha ko yung dala-dala niyang plastic kaya napakunot ako ng noo.
"Ano to?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, tumalikod lamang siya kaya tiningnan ko ang laman ng supot na nilagay niya sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita hindi ko maiwasan humanga sa kanya.
"SALAMAT" sigaw na saad ko total hindi pa naman siya nakakalayo hindi nakawala sa paningin ko ng namumula niyang tenga kaya napangiti nalang ako. Pumasok na ako sa loob ng isang cubicle at namangha ako sa mga na sa loob iba't ibang uri ng napkin at my undies at uniform pa na parang tamang-tama lang sa akin.
"Hay, Thank you Lord" naibulalas ko nalang pagkatapos kong mag-ayos.
"How are you?" bungad agad sa akin ni Aria pagkalapit ko s kanila nakita ko naman ang pamumula ni Isaac kaya napangiti ako sa kanya.
"Okay na ako compare kanina na mainit ang ulo" sagot ko naman kay Aria saka lumapit kay Isaac at humalik sa pisngi niya. Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nila pero sinuklian ko nalang ng ngiti. I just love to tease him.
"Mabuti nalang talaga lagi me may dalang spare ng skirt, if wala you are so kawawa na talaga Zemirah girl. Mabuti nalang talaga alisto itong tinuturuan mo" pag-iiba naman ni Avery para mawala ang tension.
"Bakit dinamihan mo ang biniling mga nappy. Okay na naman ang isa" doon ko lang naalala ang sobrang daming binili niyang napkin.
"Ha? Eh? Hindi ko kasi alam kung ano ang ginagamit mo kaya kumuha ako ng iba't ibang brand para sure" sagot niya na hindi nakatingin saakin at namumula ang tenga. Hahahaha ang cute.
"Thank you magpapakabait na ako saiyo dahil sa ginawa mong pagtulong sa akin" sabi ko sa kanya tumango naman siya at ngumiti. Kaya nagreview nalang ulit kami hanggang sa narinig ko ang ringtone ni Aria.
"Guys balik na tayo sa room nagtext na yung class secretary na tapos na ang emergency meeting ng mga teachers natin si Sir Hermosa is may announcement din" sabi ni Aria sa amin kaya napagkasunduan na naming bumalik sa room.
"Tara?" ako na ang nag-aya pagkatapos ko Mag-ayos timango naman silang tatlo at nagsimula ng maglakad. Magkasabay kami nila Aria at Avery sa paglalakad habang si Isaac naman ay nasa likuran namin hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya.
"Girls, mauna na muna kayo may kukunin lang ako sa locker" paalam ni Isaac sa amin tumango naman kami. Pagkapasok namin sa classroom nakuha agad ang attention namin sa mga nagkukumpulang mga kaklase namin dahil nature namin ang pagiging chismosa nakipagkumpulan din kami
"Ang cute niyo naman ni Isaac" sabi ng isang kaklase namin kaya kinuha ko yung picture at nanlaki ang mga mata ko dahil larawan namin ni Isaac iyon ng mga bata pa kami.
"Saan niyo nakuha yan?" tanong ni Aria sa taong malapit sa kanya.
"Nakitingin lang din ako sa kanila hindi ko alam kung kanino galing ang larawan" sagot naman ng kaklase namin.
"Ako yung nakakita, nakita ko sa isang libro sa library doon kasi kami tumambay tamang-tama gusto ko magbasa kaya naghanap ako ng magandang basahin napili kung basahin is yung love, rosie na book tapos ng iniiscan ko yung book biglang bumungad ang larawan na yan kaya kinuha ko" si Amelia ang sumagot kayo timango nalang ako. Hmmmm ano kaya ang ginagawa ng picture namin ni Isaac sa isang libro sa library.
"Hey Zemirah girl were do you want to have our lunch?" tanong ni Avery sa akin pagkalabas ng prof namin. I just shrugged.
"Sama nalang tayo kila Harper at Willow sa canteen lang daw sila, 1hr lang yung lunch nila tayo 3hrs" si Aria na ang sumagot para sa akin dahil gets naman niya siguro na wala akong balak sagotin si Avery. Tumango naman kaming dalawa ni Avery. At nagsimula ng lumakad papuntang canteen napapaisip ako paano kaya napadpad ang picture namin ni Isaac sa library hmmm.
"Miss ano po ang sainyo" bumalik lang ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang tanong sa akin ng nagseserve ng pagkain.
"Chicken curry with isang rice and pinepple juice" sagot ko naman sa tendera. Binigay niya naman agad kaya pumanhik na ako sa table namin.
"Guys, bar hoping tayo after exam ha" rinig ko na saad ni harper nag-uusap pala sila kong saan kami pagkatapos ng exam. Nakinig lang ako sa kanila wala kasi ako sa mood.
"Guys pwede ba after nito hindi muna ako sasama sainyo Ave my kailangan lamang akong puntahan" pagkatapos naming kumain nagpaalam akong hindi na muna sasabay sa kanila gusto ko kasi malaman kong ano yung libro na iyon so napag-isipan kong pumunta sa library at hanapin ang libro. Hindi naman nagtagal ang paghahanap ko at nakita ko naman agad sa mataas na parti sa isang sulok ng shelf. Binuklat ko ang libro at may nakita akong isang japanese words at my date. Dahil sa curiousity ko ay kinuha ko ang phone ko para itranslate. Lumaki naman ang mga mata ko dahil sa lumabas na translation it was 'I love you Zemirah today and forever' 11/28/2013. I think kilala ko na kong sino ang naglagay nito kailangan ko siyang mahanap.
Habang naglalakad ay may narinig akong nagguiguitara.
"Is there somebody there?" ang creepy naman na may nagguiguitara eh sa matagal ng abandonado ang room na to.
"Kung my tao man sumagot ka" sabi ko pa pero walang sumagot. Aalis na sana ako dahil madilim sa loob at ba ka ano pa ang mangyari sa akin ng biglang may humigit sa akin papunta sa sobrang dilim na sulok. Sisigaw na sana ako ng bigla niya akong halikan ng mapusok. I tried pushing him pero ang lakas niya.
"I love you Zemirah from the day I first saw you" sabi niya pero hindi ako pamilyar sa boses naiyon. Sobrang lamig ng boses niya pero ang lambing.
"Sino ka?" pautal na tanong ko sa kanya.
"Thank you for saving me" yun lang ang sinabi niya bago niya akong siilan ng isang matagal na halik at iniwan. Nalilito ako sa mabilis na pangyayari kaya sinubukan ko siyang habulin ngunit sa kasamaan palad ay nadapa ako at natamaan yong ulo ko ng kong anong bagay na sanhi para mahilo at unti-unti kong naipikit ang aking mga mata.
