Malayo pa ako sa bahay pero kitang-kita ko na ang pinagbago hindi na siya yung dating bahay namin na masigla parang ang tamlay na ng bahay kahit hindi naman nag-iba.
"Dito nalang po" sabi ko sa taxi na sinasakyan ko. Nagpababa kasi ako sa harap ng bahay namin.
"Seven hundred po yung pamasahi namin galing airport" sabi ni kuya driver binigyan ko naman siya ng one thousand.
"Saiyo na lang po yung sukli papatulong na lang po ako sa mga dala kong bagahi" sabi ko kay manong driver.
"Maraming salamat po Maam ngayon lang po ako nakakuha ng isang libo sa isang pasahero" sabi ni manong driver na naiiyak na pero hindi naman nagtagal ay nauna siya lumabas dahil nag-aayos pa ako ng bag pero pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Salamat po kuya" pagkatapos ko magpasalamat ngumiti ako sa kanya.
"Salamat din po Maam, mauna na po ako" sagot naman ni kuya driver at pumasok na sa taxi at umalis. Napaharap naman ako sa bahay.
"Ito na talaga" pagpapalakas ko ng loob.
"Ma! Mama!" panay tawag ako kay mama habang kumakatok sa pinto namin. Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan na ako.
"ATE" masayang bati ko ng si ate Peyton ang bumungad sa akin yayakapin ko na sana siya ng sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas feeling ko namaga yung pisngi ko sa sampal niya.
"Andito ka na pala, bakit ka pa umuwi? SANA. HINDI. KA. NALANG. UMUWI" idiniinan ni ate Peyton ang huling mga salitang sinabi niya.
"A-ate" yun lang ang nasabi ko habang hawak-hawak ang pisngi ko.
"MAAAAAAAA, ANDITO NA ANG MAGALING MONG ANAK" sigaw niya sa loob at iniwan ako.
"ANJAN NA BA YONG PUTANG INANG KAPATID NATIN?" sigaw naman ni kuya Dwei nakakalabas lang ng kwarto niya. Hindi ko naiwasang mapahikbi dahil sa pakikitungo nila sa akin. Anong nangyayari hindi ko maintindihan.
"HAHAAHAHAHAHA OH YUNG PUTANG KAPATID NATIN ANDITO NA" dagdag pa ni kuya Wren nakakalabas lang ng CR.
"UMUWI KA PA NG DAHIL SAYO NAWALA ANG PAPA MO, NAWALA ANG LALAKING PINAKAMAMAHAL KO NG DAHIL SA KAGAGAWAN MO" yun agad ang bungad sa akin ni mama ng makalapit siya sa akin. Andito palang kami sa salas ng bahay pero punong-puno na ako ng kutya.
"Bakit po, asan si papa?" yun lang ang lumabas bibig ko
"ABA MAY GANA KA PA TALAGANG MAGTANONG NIYAN" sigaw ulit ni ate Peyton sa akin.
"Wala na ang papa mo" pagkasabi nun ni mama doon na ako napaluhod at napaiyak.
"Pa, bakit hindi niyo ako nahintay" yun lang ang nasabi ko habang umiiyak sa sahig. Gusto kong sumigaw, gusto ko manakit, wala na ang papa ko.
"Papa naman eh bakit hindi mo ako nahintay papa" paulit-ulit na sabi ko.
"Nawala ang papa mo na may sama ng loob" sabi pa ni mama saakin kaya mas napayuko ako.
"PAPA! PAPA! ANDIYO NA AKO PAPA" sigaw ako ng sigaw pero walang papa na lumabas.
"KAHIT ANONG SIGAW MO HINDI NA SIYA MAIBABALIK" sigaw ni kuya Dwei sa hambana ng hagdan
"Kasalanan mo kung bakit lumala siya" sabi naman ni ate Peyton.
"Gusto ko siyang makita ate, kahit ang puntod niya" pagmamakaawa ko.
"WALA KANG KARAPATAN NA MAKITA NI PUNTOD NI PAPA DAHIL KAMI ANG NAKASAKSI NG MAWALA SIYA DAHIL SA KAGAGAWAN MONG PAGLALAYAS" sigaw ni kuya Wren at inambahan ako ng suntok sa mukha.
"ARRRRGH" yun lang ang nasabi ko dahil sa suntok ni kuya Wren feeling ko nahilo ako dahil sa ginawa niya.
"Araw-araw ka niyang hinahanap hindi siya tumigil kahit na may dinadamdam na siya sakit sa paghahanap saiyo" iyak na sabi ni mama saakin
"Hindi siya sumukong hanapin ka kahit na sa bingit ng kamatayan na siya" dagdag pa ni ate Peyton habang umiiyak na nakaupo sa sofa.
"Pero asaan ka? Ni isang sulat hindi ka man lang nag-sulat para hindi na kami mag-alala. Napakamakasarili mo" dagdag na sabi ni Kuya Wren na kaupo sa sahig katulad ko habang umiiyak.
"Umalis ako dahil yun ang nararapat" sinampal naman ako ni ate Peyton
"Pero ni minsan hindi mo ba inisip ang mararamdaman namin sa pag-alis mo" sagot ni ate Peyton sa akin.
"Buntis ako noong oras na naglayas ako" sagot ko sa kanila na nahihiong nakayuko sa sahig.
"Dahil sa sobrang landi mo kaya ka nabuntis" si kuya Dwei naman ang nagsalita akala ko hindi na siya sasali pero nagkamali ako wala akong kakampi ni isa. Tatlong sampang na ang inabot ko at isang suntok.
"Please let me explain" yun nalang ang nasabi ko bago ako nawalan ng malay.
_________________________________
Nagising ako dahil sa malakas na ulan at dahil sa basang-basa na rin ako. Parang hindi na pamilya ang turing ng mga kapatid at ina ko sa akin. Dahil ng mawalan ako ng malay imbis na dalhin ako sa kwarto o sa ospital ay inilabas nila ako malapit sa cage ni Natalia and aso namin. Napatingin ako sa aso namin mabuti pa nga siya merong masisilongan ako basang-basa na ng ulan. Mas masahol pa sa hayop ang tingin ng sariling pamilya ko. Ako sinisisi nila sa pagkawala ni papa pero siguro nga ako nga talaga ang may kasalanan dahil sa paghahanap niya sa akin ay hindi na niya naalagaan ang kanyang sarili na nagging sanhi ng pagkamatay niya. Hindi naman nagtagal ay tumayo na ako sa pinagkakaupuan ko at kinuha na ang mga maleta ko at lumabas na ng gate namin. Nag-isang tingin ako bago lumabas hindi ko na alam kong saan ako pupunta. Naisip ko ang mga kaibigan pero matagal na kaming wala kumunikasyon. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Napatingin ako sa likuran malayo-layo na pala ang nalakad ko pero ni isang jeep o taxi walang nagbalak na pasakayin ako. Umupo na muna ako sa waiting shed na malapit sa sakayan ng mga jeep. Hilong-hilo ako at sobrang gutom pero parang wala akong lakas na maghanap ng makakainan kaya napasandal nalang ako sa maleta. Sa sobrang pangit ng aking nararamdaman ay napapikit nalang ako. Bahala na hindi ko na kaya.