OCTOPUS

6 0 0
                                    

Kakagising ko lang pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa pagitan namin ni Isaac pitong araw na ang nakakalipas. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginahasa niya ako. Ilang beses siyang humingi ng sorry noong araw na iyon pero hindi ko siya kayang tapunan ng tingin hinatid niya akong wala sa sarili. Ilang araw akong nagmokmok hindi makakain ng maayos hindi makausap. Gustohin ko man magkwento pero pinapangunahan ako ng takot na baka lumaki pa at magkaroon ng impact sa kanila mama at papa. Ayoko silang problemahin ako dahil ngayon palang nila matitikman ang buhay na wala ng prinoproblema. Ayoko maging sagabal sa kanila gusto ko sila magging masaya at ba ka lumayo sa akin ang mga kaibigan ko dahil sila ang sisihin sa nangyari sa akin hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon. Biglang may kumatok sa pinto ko kaya napabalikwas ako ng higa.

"Anak the breakfast is ready" narinig ko ang boses ni mama sa labas. Naiiyak na naman ako dahil sa tinig niya.

"Mamaya na po ma inaantok pa ko eh" pigil ang paghikbi ko sa pagsagot sakanya, ayoko ko na mag-aalala sila lalo na sila kuya Dwei, Kuya Wren at ate Peyton paalis pa naman sila.

"Anak ilang araw ka ng ganyan. Ano ba ang problema? Nag-away ba kayo ng mga kaibigan mo?" tanong ni mama hindi ko maiwasan magpakawala ng isang mahinang hikbi dahil sa tanong ni mama.

"Hindi po ma, ngayon ko lang po naramdaman ang exhaustion sa apat na taon kong pag-aaral hahahaha" sagot ko sa kanya peneke ko pa ang tawa para mas kapani-paniwala.

"Sige anak, baba ka nalang kung gusto mo ng kumain" pagkasabi ni mama hindi ko na kaya at naiyak na ako.

"So, before you go~" narinig ko ang ringtone ko kaya inabot ko.

"Hello, sino to?" tanong ko pagkaabot ko ng phone ngunit wala namang sagot akong narinig sa kabilang linya.

"Hello, sino to? Ibaba ko na to" pagkatapos ko sabihin iyon naghintay ako ng sagot ngunit wala pa rin. Kaya ibinaba ko na pero wala pang isang minuto tumawag ulit kaya inis ko iyong kinuha.

"Hello, sino ka ba ha? Kung magpaprank ka wag ako ang pag-aksayahan mo ng panahon" pagalit na sabi ko sa kabilang linya ng wala pa rin akong sagot na nakuha aside sa malalim niyang hininga ibaba ko na sana ang tawag.

"Can we talk Mirah?" pagkarining ko ng boses naiyon hindi ko naiwasan manginig bumalik sa aking alala ang ginawa niyang kapangahasan. Hindi ako sumagot at pinatay na lamang ang tawag. Hindi ko siya kayang kausapin. Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bedside table ng makarecieve ako ng text galing sa number na tumawag. Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba o hahayaan ko nalang. ' I'm sorry ' yan yung nakalagay sa message niya. Sorry? Maibabalik ba ng sorry niya ang trauma ng ginawa niya. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at napagdesisyonan ng ipikit ulit ang aking mga mata. Ngunit biglang may tumawag na naman hindi ko na sana sasagutin ngunit ang ringtone ay exclusive lang sa mga tawag ng mga kaibigan ko. Kaya dali-dali kong kinuha ang phone ko at sinagot.

"Hi Avery" yun ang bungad ko sa tumawag.

"Hey Zemirah girl, let's go to the beach. Miss ka na naming apat" sabi niya sa kabilang linya.

"Uhm saan ba punta natin?" tanong ko sa kanya Nagdadalawang-isip ako kung sasama o hindi.

"Malapit lang tagaytay lang naman" sagot niya hmmm tagaytay? Siguro ito ang kailangan ko.

Obnoxious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon