"Oh anong nangyari?" tanong ni Willow we are having our lunch at kinukulit nila ako sa nangyari noong weekend kaya kinuwento ko naman sa kanila pero parang nakainom sila ng tiki-tiki dahil para silang kiti-kiti. Corny
"Hala baka gusto ka ni Isaac" sabi ni Harper na kinikilig
"Waaaah inggit na me I also want an Isaac kind of lalaki" Avery said dreamingly
"Wag ka ng mangarap Avery girl, dahil bonjing lang nagkakagusto sayo hahahaha" pang-asar ni Aria kay Avery. Nakisabay na rin kaming tumawa at mas inasar pa si Avery she just keeps on rolling her eyes on us.
"Guys, mauna na kami ha. Time na eh" sabi ni Harper habang inaayos ang mga gamit niya. Nauna ng tumayo si Willow. Hindi nagtagal umalis na sila sumunod naman kaming umalis na tatlo.
"Diba may tutor ka ngayon kay Isaac?" tanong ni Aria kaya tumango ako doon nga ako patungo eh
"Hindi na lang kami sasama Zemirah girl para magkaroon kayo ng alone time" sabi ni Avery sabay hila kay Aria. Nagkibit-balikat nalang ako at nagtungo na sa nakagawian naming usapan sa benches malapit sa fountain. Hinanap ko si Isaac Ace pero hindi ko siya nakita kaya naghanap nalang muna ako ng mauupuan. Nasabihan ko ba yun? Pero alam niya naman. Tiningnan ko ang relo ko 1pm na pag 1:30 na wala pa siya aalis nalang ako. Inaayos ko na ang mga irereview namin sa mesa ng may umupo sa harapan ko
"Oh andyan ka na pala" sabi ko habang kinukuha pa rin ang mga reviewer ko na hindi nakatingin. Ilang sandali na pero walang pa rin akong sagot na natanggap kaya na pagpasyahan ko ng harapin si Isaac Ace ngunit pagkaharap ko hindi isang Isaac ang nakita ko kundi isang engot. Ano naman kaya ang ginagawa ng isang toh? Wala ba to magawa sa buhay niya at sulpot ng sulpot nalaman ko lang na break sila ng ex niyang GGSS panay na ang kita ko sa kanya ano ba to coincidence or stalker ko na siya ulit.
"Oh anong ginagawa mo dito?" walang buhay na tanong ko sa kanya.
" Wala naman nakita kasi kitang mag-isa so pinuntahan kita kaso natulala yata ako sa ganda mo kaya hindi ako nakapagsalita" sagot niya habang nagwink pa aba gwapo ka pre? Pangit psh mas gwapo si Isaac Ace. Hep hep bakit ba iniisip ko yung lalaking yun at bakit late yun.
"Edi wow" nasabi ko nalang at dinistract ang sarili ko sa kung ano-ano para lamang wag siyang pansinin ngunit may lahi yata tong engot at insensitive dahil kinulit pa rin ako.
"Boyfriend mo ba yong kasama mo sa department store noong isang araw?" tanong niya saakin
"Eh ano naman saiyo kung jowa ko yun. Napakachismoso mo" sabi ko sabay balik ko sa pagbabasa ng mga reviewers ko.
"Masama ba magtanong?" dagdag pa niya wala ba siyang balak umalis? Hindi ko na siya sinagot para maramdaman niyang ayaw ko siya dito. Ngunit may lahi talaga siyang engot dahil tumayo siya at tinabihan ako at kinulit ng kinulit pero bahala siya hindi ako magpapaapekto sa kalokohan niya. Nagtuloy-tuloy lang na ganun ang scenario kinukulit ako minsan sinasagot ko siya pero most of the time hindi.
"EHEM" may tumikhim malapit saamin kaya ibinaba ko yung binabasa ko para tingnan yung taong tumikhim and to my surprise it was Isaac Ace.
"Nakakaabala ata ako sainyo. Should we reschedule our review tomorrow Ms. Ruiz?" sabi ni Isaac Ace kailan pa to nagging pormal? Hindi bagay.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako dito naghihintay sayo dahil may review diba. Ano ba ginawa mo?" hindi ko maiwasan mapagtaasan siya ng boses dahil antagal niya sayang yung oras.
"Kanina pa ako dito kaso busy kayong dalawa kaya hindi mo napansin ang presensya ko na kanina pa ako sa likod niyo. Nahiya naman kasi ako sa sobrang sweet niyo" litanya niya if I am not mistaken my himig ng bitterness ang boses niya kung kaya't napakunot ako ng noo. Kung kanina pa siya bakit hindi siya nagsalita at anong sweet tukmol lang talaga si Cree
"Sige upo ka na at magsisimula na tayo. And as for you Cree-yola alis" pagkasabi ko kay Cree tumayo agad siya. Akala ko aalis na siya ngunit ninakawan ako ng halik sa pisngi kaya napalaki ako ng mata
"See you around Riri" pagkasabi niya tumakbo na agad siya hindi pa ako nakakarecover narinig ko ang paghampas sa mesa kaya nabalik ako sa wisyo at napatingin naman kay Isaac Ace napalitan ng kunot ang noo ko dahil sa expression niya parang gusto niyang manuntok dahil sa expression niya
"Oh problema mo?" patay malisyang tanong ko sa kanya
"WALA" sigaw niya kaya nabigla at mas lalong kumunot ang noo ko sa inasal niya parang nagseselos na jowa kung nakapag-asta eh
"Nagseselos ka ba?" bulalas ko hindi ko na naagapan na takpan ang bibig ko at naitanong ang dapat ay nasa utak ko lang. Siya naman ngayon ang napakunot ang noo.
"Hindi bakit naman ako magseselos ano ba kita? You are just my tutor na inassign ng dean. You're not my girlfriend and you're not my type" mahabang litanya niya ngunit may himig ng galit sa kanyang boses nagkibit-balikat na lamang ako.
"Okay, fundamental of accounting ngayon ang irereview natin" tumango nalang siya kaya nagsimula na akong turuan siya. Wala kaming masyadong imikan unlike sa past napagrereview namin napakaunusual pala pag hindi kami nagbabangayan. Nagiimikan lang kami kapagmay tanong siya pero kung wala tikom lang ang kanyang bibig. Hanggang sa lumipas ang dalawang oras.
"Let's continue our tutor session tomorrow" pagkasabi niya nun kinuha niya ang bag niya at umalis na agad kaya nag-ayos na din ako ng mga gamit ko upang pumanhik na sa next class namin. Nagumpisa na ang klase ngunit walang Isaac Ace ang pumasok hanggang sa next subject. Ano kaya nangyari doon? Nagselos ba yun at sobrang affected niya kaya tinamad na pumasok. Assume pa Zemirah ano ba niya ako hindi naman kami magjowa ah pero parang affected ako dahil hindi siya pumasok bahala nga siya wala akong paki sakanya. Ngunit natapos ang buong klase na lutang ako kakaisip sa reason niya kung bakit hindi siya pumasok buong maghapon.
![](https://img.wattpad.com/cover/231688540-288-k843863.jpg)