HORSE

11 6 0
                                    

Ngayon ang last day na tuturuan ko si Isaac Ace. Matapos ang araw na kinulit ako ni Cree ay parang lumayo na si Isaac Ace hindi na niya ako gaanong kinukulit unlike dati hinayaan ko nalang hindi ako nagpaapekto. Dapat masaya ako ngayon dahil last day nalang namin ito atlast wala ng mangungulit pero bakit ganun binabagabag ako na nalulungkot ah ewan ko.

"Tapos na ako" sabi niya dahil binigyan ko siya ng problem na sasagotan niya kinuha ko naman at chineck

"May mali ka eto sa number 10 paano mo to nakuha iba ang formula hindi mo ba binasa ng maayos?" sabi ko sa kanya at pinakita ang tamang calculation tumango-tango naman siya. Dalawang oras pa ang lumipas bago namin napagpasyahan na tapusin na ang tutor session namin.

"So, good luck sa exam. Sana nakatulong ako saiyo" tumango-tango naman siya bilang sagot.

"Salamat, sige mauna na ako" pagkatapos niyang magpasalamat dirediretsong na siyang lumakad kung saan bakit ang lamig non ibang-iba nasa Isaac Ace na nakasama ko simula elementary. Hindi ko maiwasan malungkot habang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Okay ka lang Riri?" speaking of the devil

"Oo naman, ano na naman ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ano ba to, palagi nalang bang coincident

"Ah napadaan lang hehehe kaso nakita kita kaya dinaanan na kita. Bakit mukhang malungkot ka?" tinanong mo pa kasalanan mo to eh kung hindi mo ako nilandi-landi hindi sana magbabago si Isaac Ace.

"Wala pagod lang ako" yun nalang sinagot ko at tumayo na at tumalikod na para maglakad papunta sa next class ko.

"Riri hintay samahan na kita doon din naman kasi punta ko" sabi niya reasons. Pasalamat siya wala ako sa mood kaya tumango-tango na lang ako bilang sagot. Nasa harap na kami ng room ko kaya nagpaalam na ako at Nagtuloy-tuloy sa upuan ko at nanghalumbaba.

"Hey, you okay?" pagkaupo ko hinarap agad ako ni Aria na sa tabi ko lang tumango na lang ako bilang sagot at humalumbaba.

"Zemirah anjan na yung prof" sabi ni Aria habang tinatapik ako. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Kaya nag-ayos na ako ng upo wala sa sariling lumingon ako at hindi inaasahang nagtama ang aming mga mata kaya mas nauna kong bawiin ang tingin at humarap na sa prof. Nagtuloy-tuloy lang ang klase na wala ako sa mood. Hanggang sa nag-uwian na. Nag-ayayaan na kumain pero nagpass ako at nauna ng umuwi wala ako sa mood. Pagkadating ko sa bahay nagdinner ako tapos pumanhik na sa kwarto at nagreview dahil two days nalang finals na. Hindi ko maiwasan isipin na nag-iba ang pakikitungo ni Isaac Ace ano ba kasi ang rason? Dahil ba kay Cree o may bago na siyang kaasaran hayst. Nagbalik sa isipan ko ang mga panahon na binilhan niya ako nga isang katerbang napkin, ang pangyayari sa mall, ang mga asaran namin. Nakakamiss lang.

"Ano ba Isaac Ace" hindi ko maiwasan maibulalas ang frustration ko. Dahil sa naalala ko siya nawalan na ako ng gana namagreview kaya pinilit ko nalang matulog.

_________________________________

Dalawang araw na ang nakalipas at finals na namin ngayon busy lahat ng estudyante sa pagrereview dahil hell week.

"Nakapagreview ka na ba?" tanong ni Willow habang nagrereview andito kami sa isang cafe dito namin trip magreview. Tumango ako sa kanya sabay inom ng kape ko.

"Zemirah girl, can you teach me about cost accounting I kennat understand" exaggerated na sabi ni Avery tumango naman ako sa kanya. Inexplain ko na sa kanya naintindihan naman daw niya.

"You Zemirah girl, you are 100x better sa teacher natin sa cost" bola pa ni Avery sabay ngiti nagkanya-kanyang review na kami. Naalala ko na naman si Isaac kamusta kaya ang abnong yun. Hayst hindi niya na talaga ako kinukulit.

"You, okay?" tanong ni Harper kaya napatingin ako at tumango bilang sagot. Napagdesisyonan na naming umuwi dahil bukas na bukas yung exam namin sa mga major subject at magrereview daw sila sa bahay nila para focus daw. Nakauwi naman ako ng matiwasay. Kaya napagdesisyonan kong magrereview ng biglang may kumatok.

"Anak dinalhan kita ng dinner" sabi ni mama sa labas kaya tumayo ako at pinagbuksan siya nilapag niya naman sa bedside table ang dala-dala niyang pagkain.

"Kamusta ka? Baka pinapabayaan mo ang sarili mo dahil sa sobrang pag-aaral mo" sabi ni mama umiling naman agad ako

"Hindi po ma hehehe inaalagaan ko yung self ko magiging cpa pa ako eh" sabi ko kay mama sabay yakap niyakap niya rin naman ako pabalik at nagkwentohan pa kami ng konti habang nagdidinner ako. Natapos ako sa pagkain kinuha naman iyon ni mama at lumabas na

"Pagginutom ka sa pagrereview kumuha ka nalang ng snacks sa labas" paalala ni mama kaya tumango nalang ako at nagpatuloy na sa pagrereview.

_________________________________

BZZZT BZZZT BZZZT

Nagising ako sa alarm ko hindi ko na namalayan kagabi na nakatulog na pala ako habang nagrereview. Ngayon na ang last day. Kaya nagdali-dali ako sa pag-aayos para may oras pa akong magreview sa school. Natapos ako within thirty minutes hindi na ako nagbreakfast kumuha lang ako ng apple at sandwich sa jeep ko nalang kakainin ang mga dala ko. Mabilis naman akong nakapunta sa school kaya may time pa akong magreview kaya agad kong binuklat ang mga reviewers ko at nagreview.

"Good Morning Class" nakuha ang attention ko ng marining ko na ang boses ng aming proof kaya tinago ko na ang mga reviewers ko. Sinabi niya ang rules sa pagkuha ng exam dahil magsisimula na nakinig naman ako ng maigi mahirap na. Nagexam kami buong araw sobrang hirap dahil kailangan ipakita ang computations but thanks God nasagot ko naman lahat kahit papaano. Ngayon uwian na at nag-aayos na ako ng mga gamit ng mapalingon ako kay Isaac nginitian ko siya pero tiningnan niya lang ako

"Kamusta exam?" tanong ko sa kanya para mabasag ang lamig ng tingin niya at dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko na hindi siya kausapin.

"So far, so good" yun lang ang sinabi niya at kinuha na ang bag niya at umalis. Hindi ko alam pero na saktan ako sa pakikitungo niya nalulungkot ako dahil nagbago siya pero alam ko naman sa sarili kong hindi ko siya gusto siguro ay nasanay akong makulit siya saakin kaya nakakaramdam ako ng lungkot pero siguradong lilipas din ito. Kaya kailangan kong iset aside itong nararamdaman ko. Diretsong uwi kaming lahat dahil may dalawang exam pa kami bukas dapat last day na ngayon kaso nga lang hindi natapos ipaphotocopy yong exams kaya irereview ko ulit ang upcoming exams bukas. Three weeks nalang graduate na kami hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng sobrang tuwa atlast maibibigay ko na rin sa wakas ang pinaghirapan nila mama at papa sa pagpapaaral sa akin. Magbubunga na rin atlast.

Obnoxious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon