"Okay, pinatawag ko kayo dahil simula ngayon Ms. Ruiz ikaw na ang bagomg tutor ni Mr. Rodriguez dahil magkaklase naman kayo at student council ka pa ng departamento niyo. Kung kaya naisip ko na saiyo ibigay ang responsibilidad na ito dahil sa laki ng tiwala ko sayong magagawa mo ito. Our mission is no student will be left behind" lumaki naman agad ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabi ng Dean kaya napatingin ako kay Isaac at ang walanghiya ngumiti pa.
"Miss is there any option?" please Miss mahalata mo sanang ayoko, but to my dismay tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"Ms. Ruiz you were the last option we had since we talked to everyone in your class that can tutor Mr. Rodriguez but sadly no one is capable in teaching him" sagot sa akin ng Dean na pumatay sa maliit kong pag-asa.
"Okay Miss, I will do everything I can to teach Mr. Rodriguez" sagot ko nalamang kahit labag sa aking kalooban na turuan ang demonyong kaharap ko. Ngumiti ako sa Dean ng peke para ipakita na willing ako kahit hindi.
"Okay, you may now leave first Ms. Ruiz" ngiting sabi ng Dean sa akin so I bid my goodbye pero bago ako lumabas tinapakan ko muna ang paa ni Isaac kahit doon man lang makapaghiganti dahil parang satisfied na satisfied siya sa balita. Pagkalabas ko ng Dean's office doon ko nailaabs ang frustration ko pumapadyak ako habang naglalakad pero bigla ko naramdaman na may sumsabay sa akin at ang walanghiya umakbay pa. Boy, hindi tayo close.
"Wag ka na magalit mahal for the meantime lang naman ang pagtuturo mo, nasisigurado ko naman na mag-eenjoy tayo pareho" sabi niya habang kumikindat at nakaingising aso.
"Mukha mong tae ka, wag mo nga akong akbayan at tawaging mahal hindi tayo nagmamahalan eeeww" pabalanag na sagot ko sa kanya sabay pilipit ng kamay niya na nakaakbay. Binilisan ko ang paglakad para hindi na sana niya mahabol ngunit sa kasamaang palad nahabol pa rin niya ako. Sana all napagpalaan ng mahahabang biyas. Malapit na sana ako sa classroom ng hinigit niya ako upang pwersahang icorner malapit sa hambana ng classroom.
"Mirah, wag mo akong subukan ba ka sa susunod hindi ko na mapigilan ang sarili ko" pagkatapos niyang sabihin iyon ay nauna na siya pumasok sa room. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ko talaga maintindihan ang taeng yon. Ngayon niya lamang to ginawa hindi na ako nasisiyahan sa mga ginagawa niya. Pumasok na ako sa classroom na parang wala sa sarili.
"Kamusta ang punta mo sa Dean?" kakaupo ko pa lamang ng pinuntahan agad ako ni Aria para tanungin.
"Wala may itututor lang akomg estudyante" walang ganang sagot ko
"Don't tell me Zemirah girl si Isaac iyon since magkasabay lang ang pagdating niyong dalawa" singit naman ni Avery sa amin ni Aria tumango-tango naman ako at pinakita ang luging-lugi kong expression pero imbis na damayan.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay pa nila akong tinawanan minsan na papaisip na ako kaibigan ko ba talaga sila dahil sa mga response nila pagnagsusumbong ako.
"Why so cute ba Zemirah girl. Stop being so adorable I may pinch you" conyong sabi ni Avery
"Matagal ko ng alam na cute ako pero ayaw ko turuan si Isaac" pero likas na sigurong makapal abg mukha ko sinagot ko pa rin siya na puno ng confidence. Hindi naman nagtagal pumasok na ang teacher namin na si Mr. Roover kaya nagsialisan na ang mga kaibigan ko. Aria tapped my shoulder while Avery kissed my forehead. Umayos na ako ng upo ng hindi sinasadyang mapatingin ako kay Isaac at napakunot ako ng nakatingin din siya sa akin. Ilang segundo lang ang lumipas nilihis na niya ang mga mata sa akin pero obvious naman na hindi siya mapakali dahil kung saan-saan siya tumitingin. Hinayaan ko na lang ba ka kasi nauulol na naman siya. Nakinig na ako kay Mr. Roover at nagtake down notes. Ganun din ang ginawa ko sa mga following subjects ko.
