PEACOCK

6 0 0
                                    

"Aaaaaccckkk" sumusuka na naman ako hindi ko alam bakit lagi akong may morning sickness kada gising ko sa umaga nasusuka agad ako hindi ko alam kung bakit.

"Anak okay ka lang ba? Dalawang buwan ka na palaging nasusuka" hinihimas ni mama yung likod ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ko alam pero naiiyak ako may kutob na ako kung ano ito pero sana wag naman hindi pa ako handa at mas lalong hindi ko kayang tanggapin na siya ang ama ng dinadala ko.

"Wala po ito ma" sabi ko kay mama at tumayo na sa bowl ng toilet at nagsimula na akong bumalik sa kwarto ko. Ilang buwan na matapos ang pag-uusap na yun. Tatlong araw kami nagstay sa resort at tatlong araw din akong hindi tinantanan ni Isaac. Nagkakaroon na sila ng hint sa nangyayari sa aming dalawa ni Isaac at hindi iyon pwedeng mangyari kung kaya sa tatlong araw na pagstay namin doon kailangan ko maging matatag at maging plastic kapag kaharap sila na parang wala kaming problema ni Isaac. Pero minsan hindi ko talaga maiwasan ang patungohan siya ng magaspang na pag-uugali.

"Lord Please wag naman sana" nasabi ko na lamang habang nakahiga ako dahil sa naiisip ko. Hindi pa ako pwedeng mabuntis. Hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko. Wala pa akong naaaccomplish. Napaiyak na lamang ako sa aking higaan. Hanggang sa narinig ko ang ringtone ng phone ko sanhi na may tumatawag.

"Oh Cree napatawag ka?" tanong ko agad kay Cree pagkasagot ko.

"Nasa labas ako ng bahay niyo. Labas ka kain tayo" yun lang yung sagot niya at pinatay na ang tawag kaya napatayo ako at pumunta sa bintana agad ko naman siyang nakita na nakalean sa sasakyan niya tapos kumaway pa saakin. Ngumiti naman ako at nagsign na nagsasabing wait lang. Lumabas ako ng kwarto at pumunta na sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos lumabas na ako nakita ko naman agad si Ate peyton na kakalabas lang ng kwarto niya ngumiti naman agad siya pagkakita saakin kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Oh bunso may pupuntahan ka? You look pale" sabi ni ate tapos nilagay niya ang kamay sa aking noo

"Wala po to ate kakain lang po kami sa labas ni Cree" sabi ko sa kanya at ngumiti napakunot naman siya ng noo.

"Nagkabalikan na ba kayo? Hindi ka pa din ba nadadala noong niloko ka niya?" sabi ni ate na pagalit ngunit may halong pag-aalala

"Friends nalang po kami ate" sabi ko kay ate at ngumiti to assure her na hindi na dapat siya mag-alala

"Sandali lang hintayin mo ko hahatid kita sa labas" sabi ni Ate at pumunta na sa loob ng kwarto niya. Hindi naman nagtagal sila kuya Dwei and Wren ay lumabas sa kanya-kanyang kwarto na nakakunot ang noo at hindi naman nagtagal lumabas na si Ate Peyton

"Hali na kayo" sabi ni ate at nauna ng lumakad habang sila kuya ay sumunod, kaya ako naman ang napakunot, anong meron?

"Bunso dito ka muna kakausapin lang namin yung sundo mo" Sabi ni kuya Dwei na may otoridad sa kanyang boses tapos lumabas na silang tatlo. Hindi ako mapakali ba ka awayin nila si Cree eh wala namang ginagawa yung tao pero sumunod nalang ako ba ka magalit din si kuya Dwei. Pinagmasdan ko nalamang ang pag-uusap nilang apat sa labas at nakita ko ang pagsampal ni ate Peyton kay Cree kaya napatakbo ako sa kanila.

"ATE" naisigaw ko na lang ang pangalan ni ate Peyton kaya napatingin siya sa akin niyakap ako at nagpatuloy na sa pagpasok ganun din sila kuya Dwei at kuya Wren they just tap my shoulder. Kaya nagpatuloy na akong lumapit kay Cree.

Obnoxious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon