This day is very special it is our graduation day. Nag-aayos na ako dahil sabay-sabay kami nila mama na pupunta sa school. Isa ito sa mga pinakamasayang pangyayari sa aking buhay graduate na ako after four years of struggles at bonus pa dahil kumpleto kaming lahat. Tinotoo talaga nila kuya Dwei at Ate Peyton ang pag-uwi para sa graduation ko.
"Oh bunso tapos ka na ba?" hindi ko namalayan na nakapasok na pala si kuya Dwei dahil siguro abala akong inaayosan ang aking sarili. Naglagay lang ako ng manipis na make up dahil sigurado ako mainit doon at matagal bago matapos ang program dahil lahat ng courses ay inisa lamang nila ang ceremonya.
"Malapit na kuya" sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa salamin naramdaman ko ang paglapit ni kuya sa aking upuan at nakita ko sa peripheral vision ko may kinuha siyang isang maliit na box sa kanyang bulsa. Hindi naman nagtagal ay may inilagay siya sa aking leeg nakatingin ako sa salamin kung kaya't kitang-kita ko ang design ng kwintas. Isa itong heart shape na locket sobrang ganda.
"Regalo ko saiyo bunso binili ko to noong dumaong ang barko namin sa europe. Buksan mo bunso" pagkasabi ni kuya Dwei ay binuksan ko kaagad ang locket at nakita ko ang family picture sa kaliwa tapos sa kanan ay may maliiti na printa na 'We will forever be proud of you, our bunso'yun ang nakalagay nasulat hindi ko maiwasan na mateary eyed sa sobrang overwhelmed ko sa gift ni kuya.
"Salamat talaga kuya Dwei, promise iingatan ko to hindi ko ito iwawala" pagkatapos kung sabihin iyo ay tumayo na agad ako at niyakap si kuya ng sobrang higpit.
"Oy pasali naman" hindi ko namalayan na si ate Peyton pala ay pumasok na at nakisali na rin sa aming yakapan magkuya.
"Hindi ako makahinga" pagkasabi ko nun doon lang sila naghiwalay ng yakap.
"Bunso, we are so proud of you" sabi ni ate Peyton sabay pahid ng nangingilid kong luha
"Thank you ate, ang diplomang aking iuuwi ay para sainyo" sabi ko kay ate habang nakangiti ng pagkatamis-tamis. Nakuha lang ang aming attention ng may kumatok sa labas ng pinto kaya napatingin kami nila kuya Dwei at ate Peyton ngumiti naman agad si papa sa amin ng makitang nakatingin kami sa kanya
"Mga anak hali na kayo baka malate payang bunso natin. Special day pa naman niya" sabi ni papa hindi ko maiwasang tumakbo sa kanya upang yakapin siya ng mahigpit. Gusto ko na talaga umiyak kaso hindi pwede dahil siguradong masisira ang make up ko.
"Nagdradrama na naman itong bunso namin. Wag kana umiyak bunso baka pumangit ka pa dapat isa ka sa mga pinakamaganda dahil araw mo to" pagkasabi ni papa ay pinahiran niya ang namumuo kong luha at inakbayan ako at sabay kaming naglakad naramdaman ko naman na sila kuya Dwei at ate Peyton ay nakasunod. Pagkarating namin sa sasakyan nakita ko na si mama nasa frontseat habang si kuya Wren busy sa ML pagkakita ni kuya Wren sa amin ngumiti siya at pumunta sa likuran para makasakay kaming lahat. Kumpleto kami sa loob ng sasakyan at masayang nag-uusap.
"Bunso congrats maya na gift ko" kuya Wren jokingly said kaya ngumiti ako at nagpasalamat sa kanila. Ilang beses namuo ang luha ko ngunit palagi kong pinapahiran dahil masisira ang make up ko paghinayaan ko ang mga luha kong mahulog. Nakarating kami sa school na sobrang saya. Nagpaalam na ako sa pamilya ko upang pumunta na sa designated seat ko sa program. Paglapit ko nakita ko naman agad sila Avery at Aria.
"Congrats sa atin after this bar hoping" masayang bulalas ni Aria hindi maitago na sobrang saya niya
"There's Willow and Harper oh on the other side" sabi naman ni Avery habang may kinakawayan sa opposite side namin kaya tumingin naman kami at tama nga si Avery andoon sila Willow at Harper. Nagkawayan kami and mouthed congratulations sa isa't isa. Habang hindi pa nagstastart ang program ay nagkwentohan muna kaming tatlo ni Aria at Avery hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi dahi ito ang araw na pinakahihintay naming lima. After twenty minutes nagsimula na ang program kaya't hindi na kami nag-imikan at nakinig na total last day nalang naman namin ito. The first part of the program lasted 2hours at ngayon ay tinatawag na isa-isa ang mga pangalan ng mga studyanting gagraduate. Hindi ko na talaga naiwasan mapaluha dahil ito na talaga. Nauna tawagin ang nasa nursing department.
