FISH

17 6 0
                                    

"Anak may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sa akin ni mama habang kumakain kami ng breakfast.

"Wala naman po ma bakit po?" tanong ko sa kanya

"May ipapasuyo sana ako saiyo kung okay lang naman?" sabi niya tumango-tango naman ako

"Ano po yun ma?" tanong ko kay mama habang may ngiti

"Pwede ka ba bumili ng lampshade? Nasira kasi ng papa mo kagabi yung lampshade sa kwarto namin" pahayag ni mama tumango naman ako.

"Sure ma basta ikaw mamaya before lunch ako aalis ma doon na lamang ako sa mall bibili" sabi ko sa kanya ngumiti naman si mama. Natapos kami nila mama ng breakfast at napagpasyahan kung maglakad-lakad sa labas ng bahay kasama si Natalia yung aso namin. Habang naglalakad-lakad kami ni Natalia the dog hindi ko namalayan na may popo pala sa daan kaya ayon sapol natapakan ko. Kastress tengene ang malas ko pero sabi nila pagnakatapak ka ng gold eh may swerte daw na mangyayari. Habang kinukuha ko yung gold sa tsinelas ko gamit ang stick biglang tumakbo si Natalia kung kaya napakawalan ko yung tali niya.

"NATALIA" sigaw ko sabay takbo para mahabol ko si Natalia the dog ngunit huminto naman siya kaya nahuli ko yung tali niya.

"Natalia ang bad mo sa susunod hindi na kita ipapasyal" sabay tap ko sa ulo niya at doon ko lang napansin na may tao pala sa harap namin kaya unti-unti kong tinaas ang ulo ko para makita kung sino yung tao sa harapan ko and when our eyes met natameme ako

"Hi Riri, kamusta ka?" sabi ng taong nakatayo sa harapan ko tengene akala ko ba swerte yung gold mukhang minamalas ata ako.

"Good" tipid na sagot ko sa kanya. Tengene ang malas ko talaga bakit ba sa danami-daming tao sa mundo ex ko pa yung nakasalubong namin ni Natalia the dog. Aalis na sana ako upang magpatuloy sa paglalakad ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Samahan ko na kayo ni Natalia ba ka makawala na naman siya ang laking aso pa naman nito" sabi niya sabay kuha ng tali sa kamay ko abat tengene close tayo pre? Tengene parang walang kasalanan sa akin dati ah.

"Ako na kaya ko na" sabi ko sabay kuha ng tali ngunit mahigpit ang hawak niya kaya hindi ko nakuha

"Gusto ko rin naman makipagkwentohan sayo" sabi niya na ngumingiti tengene mo sarap mo ipalapa kay Natalia the dog eh

"Sabi na ngang kaya ko okay at ba ka makita pa tayo ng shota mong GGSS" sabi ko at kinuha ulit ang tali sa kamay niya mabuti naman at nakuha ko agad. Natulala kasi noong sinabi ko yong shota niyang mukhang palaka. Nagsimula na kaming maglakad ni Natalia the dog pero hindi pa kami nakakalayo naramdaman ko na naman ang presensya niya na sumasabay sa amin ni Natalia the dog.

"We broke up almost 5 months ago" paki ko kung nagsplit kayo? Share mo lang?.

"So?" sagot ko sa sinabi niya

"Are you still mad?" tengene tinatanong pa talaga niya hindi ba niya ramdam na ayoko nga siyang makita. Sino ba kasing matinong babae na magsasaya makita ang ex jowa niya.  Fresh pa rin sa utak ko ang kagagohang ginawa niya noong kami pa. Mahuli mo ba naman jowa mo na pinapatungan ng babaeng sabi niyang wag mong pagselosan na hubo't hubad. Tengene,  noob ba siya? Kahapon lang ba siya pinanganak?

Obnoxious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon