Naggising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar ngunit amoy pa lang alam mo ng lalaki ang tumutuloy sa kwartong ito. Biglang sumibol sa akin ang pamilyar na takot na pilit kong kinakalimutan. Narinig ko ang pagpihit ng pinto sanhi na may papasok kaya nahiga ulit ako at nagtulog-tulogan. Narinig ko ang paglapag ng isang tray na malapit aa uluhan ko at hinawakan ako sa noo hindi naman nagtagal ay may humiga sa likuran ko at walang ano ay niyakap ako.
"Mirah" tawag niya sa pangalan ko ang boses niya sobrang na pakapamilyar ayoko man aminin pero mukhang na sa kwarto ako ng taong kinasusuklaman ko.
"Mirah, alam kong gising ka na" pagkasabi niya ay bigla akong umupo at lumayo sa kanya.
"Ba-bakit ako na-nandito? A-a-ano na na-naman ba ang ba-balak mo?" pautal-utal na tanong ko sa kanya wala akong sagot na natanggap pero bigla siyang yumuko at hindi nagtagal ay nanginig ang balikat niya at narinig ko nag mahihina niyang hikbi.
"Ha-ha-hanggang nga-ngayon ba ay hindi mo pa rin ako na-napa-napapatawad?" nauutal na tanong niya na may kasamang mahinang hikbi awtomatiko akong umiling na kahit hindi niya nakikita.
"Paano ko mapapatawad ang taong gumahasa sa akin? kinasusuklaman kita, kasalanan mo ang nangyari sa akin kong bakit ako naghihirap" walang pag aalinlangang sabi ko sa kanya habang umiiyak dahil bumalik na naman sa akin ang nangyari kong bakit nangyayari ngayon ito sa akin. Kung hindi niya ako binuntis ay hindi na sana itong nangyayari sa akin. Lalapit sana siya ng umatras ako sanhi para mas magging malakas pa ang pag-iyak niya.
"Maawa ka patawarin mo ako handa akong makulong mapatawad mo lang" seryosong saad niya.
"Sana kong kahit ni katiting na guilt ay nakaramdam ka ng ginahasa mo ako ay sumuko ka na sa mga police hindi yong lumipas na ang dalawang taon ngayon mo lang napag-isipan magpakulong. Kahit kailan hindi ako maniniwala sa'yo" madamdaming pahayag ko habang panay ang tulo ng mga luha ko. Sobrang sakit.
"Kasalanan mo kong bakit wala na ang papa ko. Kasalanan mo kong bakit ayaw na ng pamilya ko sa akin. Kasalanan mo kong bakit nahulog ang anak ko. Kasalanan mo lahat" pagkarinig niya ng mga sinabi ko ay napatingin siya
"Bu-bu-buntis ka?" ulit niya walang ano-ano ay lumapit siya at hinawakan ako sa balikat.
"May anak tayo?" dagdag pa niya yayakapin pa sana niya ako ng tinulak ko siya para bigyan ng mag-asawang sampal.
"Namatay siya na hindi na isisilang sa mundo dahil sa depression na binigay mo sa akin" sinasabi ko iyon sa pagmumukha niya habang tinutulak at sinasampal ko siya.
"Nawala ang anak ko?" yun lang ang nasabi niya at napaluhod siya ng wala sa oras.
"Patawarin niyo ako" ilang beses niya iyon paulit-ulit na sinasabi but I don't feel any remorse kasalanan niya kong bakit nawala ang lahat sa akin. Tumayo ako at aalis na sana ng yumakap siya sa bewang ko para mapigilan ako pero walang ano-ano ay iwinaksi ko ang mga kamay niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.
"Mirah maawa ka" yun lang ang nasabi niya pero imbis maawa ay nagpatuloy na ako papunta ng pinto.
"Wag na wag ka ng magpapakita sa akin" yun lang mga katagang huli kong sinabi bago ako lumabas ng silid. Pagkalabas na pagkalabas ko ay napasandal ako sa dingding at napahawak sa aking dibdib. Bumalik sa akin ang mga alaalang pilit ko ng kinakalimutan ang anak ko na hindi pa naranasan mamuhay nawala na, si papa na sobrang mahal ako ay wala na rin. Ano pa ang kwenta ng buhay ko wala na. Ang pamilya ko ay sinusuka na rin ako. I gathered all my courage para umalis na sa bahay ni Isaac. Dire-diretso akong lumabas ng gate nila at umiiyak na naglakad sa kawalan.
"Gusto ko nalang mamatay sobrang nahihirapan na ako. Wala na naman akong patutungohan" nasabi ko na lang sa kawalan. Malayo na kasi ang nalalakad ko pero wala akong mahagilap na sasakyan.
"PEEEEEEP! PEEEEEEEP!" napatingin ako sa sasakyang bumusina sa akin pilit kong tinitingnan kong sino ang tao na sa loob pero tinted ang salamin kaya napagdesisyonan ko na dumiretso na ng lakad.
"BAAAAAKKKKLLLLAAA" may sumigaw kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Antonio. Anong ginagawa ng baklang ito dito?
"HOY BAKLA TITINGNAN MO LANG BA TALAGA AKO?" sabi pa niya at lumapit siya sa akin pero tiningnan ko lang ulit siya.
"Mirah babae, okay ka lang ba? Galing ka ba sa pag-iyak? Bakit sobrang maga ng mga mata mo?" sunod-sunod na tanong niya pero tiningnan ko lang siya.
"Oy sagotin mo ako" that's it niyakap ko na lang siya ng sobrang higpit at sa kanya ako umiyak ng umiyak
"Wala ng may gusto sa akin" yun lang ang nasabi ko hinaplos naman niya ang likod ko.
"Ssssshhhhh andito pa ako" sabi niya at hinalikan ang noo ko sabay alalay sa akin papuntang sasakyan niya.
"Ano ba kasi ang nangyari ha?" tanong niya pagkasakay namin ng sasakyan niya. Hindi pa rin ako umimik.
"Okay, take your time pero mamaya kukulitin kita kong bakit panay ang iyak mo" yun lang ang sabi niya nagdrive nalang. Tumingin na lang ako sa labas.
"BABAE" sigaw na nagpaggising sa akin hindi ko namlayan nakatulog na pala ako kanina sa loob ng sasakyan habang panay iyak. Napatingin naman ako sa paligid at napagtanto ko na sa isang five star hotel kami sa makati
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya
"Shunga pupunta tayo sa hotel room ko dahil hindi ko alam kong saan kita dadalhin" yun lang ang sabi niya hinatak na ako papasok ng hotel. Dumiretso siya sa front desk. Nakinig nalang ako sa pag-uusap nila ng babae sa frond desk
"I would like to take another room na malapit lang sa room ko for two night" sabi niya sa babae
"Okay sir, it will be twenty-four thousand" sago naman ng babae
"Okay, just charge it in my name" sagot naman niya
"Her room number is 0428 and here's the keycard" pagkalahad ng babae kinuha naman agad ni Antonio at ngumiti na lang siya sabay hawak sa akin sa kamay at alalay papuntang elevator.
"Ang mahal naman ng room nakinuha mo para saakin" hindi ko na napigilan magsalita
"Loka babayaran mo yun" seryosong sabi niya kaya parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.
"JOKE LANG GAGA HAHAHAHA" bawi niya ng makitang luging-lugi ang pagmumukha ko. Tamang-tama naman ang pagbukas ng elevator kaya hinatak niya ako at ipinasok agad sa isang kwarto.
"Hoy, babae magsabi ka nga ng totoo ano ba ang nangyayari saiyo?" tanong niya sa akin ng makaupo kami. Wala na talaga akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo. So, nagkwento na ako.
"TANGINA NAMANG BUHAY MO PANGMMK JUSKO DAI HINDI KO KINAYA" pagkatapos ko sa kanya ikwento grabi ang nagging reation niya
"Wag ka ngang oa bakla" yun lang nasabi ko sabay higa
"Mukhang pagod ka ng ilukaret ka sige magpahinga ka nalang muna at ako'y papanhik na sa kwarto ko. Hintayin mo na lang yong magdedeliver ng dinner mo, okay bukas na tayo magkita ulit. I need my beauty rest dahil magkikita kami ng papi ko" sabi niya sabay flip ng imaginary hair niya.
"Salamat Antonio" sabi ko sa kanya
"You're always welcome bebe girl" pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na agad siya ng kwarto ko. Kaya napatingin na lang ako sa kisame.
"Tama si Antonio pwede ng pang-mmk yong buhay ko hahaha" bulalas ko na may kasamang tawa pero hindi ko naman napigilan ang mga luha ko. So, I let them be wala na naman akong rason para tapusin ang tatlong linggong bakasyon ko dahil wala namang naghahanap sa akin buti pa sa palawan may naghihintay sa aking trabaho pero bukas magpapaalam na ako kila mama na aalis na para hindi sila mag-alala ganun din sa mga kaibigan ko. Hopefully hindi na magkrus ang landas namin ni Isaac dahil baka hindi ko na sa susunod kayanin at ano pa ang magawa ko sa kanya.
