Chapter 2: Village Park

108 35 0
                                    


Yumi's POV

*the next day*

9:30am

Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto ko (naglolock kasi ako ng pinto kapag matutulog na). Bago ko buksan ang pinto at tingnan ang kumakatok ay tiningnan ko muna kung anong oras na. Nanlaki ang mata ko ng makitang 9:30am na, napasarap ang tulog ko *yawn*. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si manang.

"Bakit po?" tanong ko.

"Pinapatawag ka ng daddy mo Iha" sabi ni manang.

"Bakit daw po?" tanong ko ulit.

"Nasa baba yung magiging driver niyo para makilala mo daw at mapag usapan kung anong magiging schedule mo sa pasukan" paliwanag ni manang.

"Ganon po ba, sige po manang susunod po ako maghihilamos at toothbrush lang po ako" magalang na sabi ko.

"Sige Iha" nakangiting sabi ni manang kaya nginitian ko din siya.

Pagkatapos kong kausapin si manang ay dumiretso na ako sa banyo para gawin ang aking morning routine(taray morning routine pa nga) pagkatapos ay nagpalit na din ako ng damit dahil nakapajama ako at sleeveless na damit, nagsuot lang ako ng black short above the knee at plain pink shirt at nag messy bun ako ng buhok. Pagkatapos ay bumaba na ako.

"Good Morning!" masayang bati ko sa kanila at humalik sa pisngi ni mommy at daddy.

Napatingin ako sa isang lalaki na nakaupo, kayumanggi ang kulay ng balat at sa tingin ko ay matangkad pag nakatayo, matangos ang kanyang ilong at may bilugang mata, kung hindi ako nagkakamali ay nasa mid 40's ang edad tho hindi naman ganun katanda ang kanyang itsura, nasisiguro kong siya yung magiging driver namin.

"Good morning po" nakangiting bati ko.

"Good morning din po maam" nakangiting bati din niya.

"Yumi nalang po ang itawag niyo saakin" nahihiyang sabi ko.

"Sige po maam... Este Yumi" nahihiyang sabi din niya.

Naupo ako sa tabi ni ate na nakaupo sa tabi ni kuya. Nginitian lang ako ng dalawa kong kapatid at tinanguan ako nila mommy.

"Yumi this is Mang Alberto, ang magiging driver niyo. " pagpapakilala ni dad kaya tumango ako at ngumiti.

"Mang Alberto sila ang mga anak ko, same school silang tatlo pero magkakaiba ang schedule nila, Si Yuki ang panganay 4th year college taking Architecture, Si Ayu naman ang pangalawa 3rd year college taking BSBA, and this is Yumi ang bunso 4th year high-school, sila na ang bahalang magsabi sayo ng schedule nila dahil bukas pa nila malalaman pagpunta nila sa school so maaari ka ng magsimula bukas, manang ipakita mo sakanya yung magiging kwarto niya para bukas pagbalik niya ay madala niya na ang mga gamit niya" mahabang sabi ni dad, nakangiti namang tumango si Mang Alberto at sumunod na kay Manang.

Sa tingin ko ay napag usapan na nila yung about sa kontrata kanina pa.

"Bukas ay pupunta kayo sa Victory Vane University para makuha niyo na ang schedule niyo" sabi samin ni dad.

"Yes dad" sabi ni kuya.

Nang matapos ang usapan ay bumalik na ako sa kwarto para maligo.

*after 40mins*

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, nagsuot lang ako ng black leggings at maroon oversized shirt, naupo ako sa harap ng vanity table ko at nagsimulang iblower ang buhok ko pagkatapos ay binraid ko ng isa saka ako nagpahid ng lotion at nag spray ng pabango. Nang matapos ay bumaba na ako para kumain dahil hindi pa ako kumakain, sila mommy kumain na kanina dahil maaga silang nagising at may work pa sila, sila ate at kuya siguro ay umalis kasi hindi ko na sila nakita. Pagdating ko sa dining area hinahanda na ni manang ang pagkain ko, bacon, scrambled egg, rice, and milk.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon