Chapter 9: Caring

47 20 0
                                    


Yumi's POV

Nagising ako at medyo masakit ang ulo ko, napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Nozomi na natutulog habang nakahawak sa kamay ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at nakita kong pumasok si Justine na may dalang pagkain at bottled water.

"Yumi! Buti gising kana how are you feeling?" gulat na tanong niya.

"Uhm ayos naman medyo masakit lang ang ulo ko, anong nangyari?" tanong ko.

"Pinag alala mo kaming lahat, nawalan ka ng malay pagkatapos kang matamaan ng bola" sabi niya. Hala ganun ba kalakas ang impact at nawalan ako ng malay, sa pagkakaalala ko medyo nahihilo ako kanina tapos ay nakita kong papunt sakin ang bola pero hindi ko na nagawang tirahin pabalik dahil huli ko na naigalaw ang kamay ko.

"Sorry" malungkot na sabi ko at naramdaman kong gumalaw si Nozomi sa tabi ko.

"Ano ka ba wag mo na isipin yon ang mahalaga okay ka na" sabi ni Justine.

"Omygod Yumi finally you're awake!" mangiyak ngiyak na sabi niya pagtapos ay niyakap ako.

"Gaano ba ko katagal tulog?" nagtatakang tanong ko.

"Almost 4hours" sabi ni Nozomi.

"Hala! Anong oras na?" gulat na tanong ko.

"It's already 6pm" sagot ni Justine.

"Omygod! Patay ako kila mommy! And si Mang Berto baka kanina pa nasa parking!" kinakabahan na sabi ko.

"Don't worry, I called them already and I told them that Justine and I won't go home not until your awake" sabi ni Nozomi.

"Uhmm thankyou" sabi ko.

"Let's go, gabi na eh" dagdag ko pa.

"Are you sure you're okay?" nag aalala pa ring sabi ni Nozomi.

"Hiyess!" masiglang sabi ko para mawala na ang pag aalala nila.

"I'll drive you home" sabi ni Justine.

"Ehh? Hindi ka ba pagagalitan? Late na eh" tanong ko.

"Nah sa condo ako umuuwi wala akong kasama nasa states sila mom" sabi niya.

"Ahhh okay, tara na" pag aaya ko.

Naunang ihatid si Nozomi dahil mas maunang madadaanan yung village nila.

"Thankyou!" nakangiting sabi ni Nozomi kay Justine.

"Wala yon" sagot ni Justine.

"Oh Yumi take a rest don't be so makulit" parang nanay na sabi ni Nozomi.

"Marunong ka pala magtagalo?" singit na tanong ni Justine.

"Hehe yes" nahihiyang sabi ni Nozomi.

"Cute hahaha" natatawang sabi ni Justine. Hindi naman nakaligtas sakin yung pagblush ng pisngi ni Nozomi dahil maliwanag sa loob ng kotse dahil sa ilaw kahit madilim na sa labas. Hmm I smell something (wag kang epal Yumi hahaha). Natawa lang si Nozomi at humalik na sa pisngi ko at bumaba na.

Ako na ang ihahatid ni Justine and nalaman ko na malapit lang pala sa village namin yung condo na tinutuluyan niya kaya hindi ganon ka hassle pagkahatid niya sakin. Wala pang kalahating minuto ay nakarating na kami sa village namin, alam niya na dahil nga nabangga niya na ko dati sa village namin at sa village din namin nakatira yung pinsan niya na ayon sa kwento niya eh nasa states ngayon dahil doon nag aaral at bakasyon lang pag umuuwi dito sabay din sila lumaki doon sa states, Justine wanted to study here daw, kasi nagsasawa na daw siya doon at gusto niya maging independent (taray! sana all).

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay nagpasalamat ako bago bumaba nagbigay naman siya ng paalala ayon din sa sinabi daw ng school nurse kanina.

"Thankyou Justine" pagpapasalamat ko.

"Wala yon, magpahinga ka ah tapos sabi ng nurse ay magpacheck up ka raw para siguradong walang damage wag ka muna magkikilos ha" paalala niya.

"Opo tay" pabirong sabi ko at natawa.

"Baliw! hahaha sige na pumasok kana bago ako umalis" sabi niya kaya kumaway na lang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si mang Berto.

"Yumi! Okay ka na ba?" nag aalalang tanong niya.

"Opo, wag na po kayo mag alala" sabi ko.

"Naku mabuti naman!" nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti lang ako at dumiretso na sa loob, sinalubong ako nila mommy at niyakap (aww sweet ang caring ng family mo Yumi paampon nga ako).

"How are you sweetie? Wala bang masakit sayo? Tell me sweetie" aligagang tanong ni mommy.

"No mommy I'm fine don't worry, sorry for making you worry" malambing na sabi ko habang nakayakap sa kaniya habang si daddy ay nasa likod niya.

"Yumi sino naghagis sayo ng bola? Sabihin mo reresbakan namin ni Ayu" parang sasabak sa gulo na sabi ni kuya kaya natawa ako.

"Tell us bunso reresbakan natin yan!" palaban dinna sabi din ni ate.

"Thankyou ate, kuya pero ano ba kayo hindi naman sadya aksidente yung nangyari" paliwanag ko.

"Eh ano ba kasi talaga yung nangyari?" curious na tanong ni ate.

"Kasi kanina nakaramdam na talaga ako ng pagod tapos medyo nahihilo na din ako tapos nung patapos na yung laro at tinira na yung bola nagdadalawa na yung paningin ko kaya hindi ko na alam gagawin ko kasi hindi ko alam kung saang side papunta yung bola tapos nung igagalaw ko yung kamay ko huli na kaboogsh!(wow Yumi may sound effect talaga?)" pagkukwento ko.

"Next time pag ganon na yung nararamdaman mo mag excuse kana sa teacher mo para hindi ka napapahamak sakitin ka pa naman" sabi ni ate.

"Opo hindi na po mauulit" sabi ko saka ngumiti.

"Before I forgot, Nozomi told me na kailangan mong mapacheck para masigurong walang damage" sabi ni mommy kaya tumango ako at sinabi niya bukas daw ay pupunta kami kay Dra. Buenavista yung family doctor namin.

*kinabukasan*

Late na akong nagising kaya dumiretso na ako sa bathroom para maligo tapos ay bumaba na sa dining area para kumain ng breakfast na hinanda ni manang. Habang kumakain ay kinakamusta ako ni manang kung ayos na daw ba ang pakiramdam ko ngumiti naman at sinabing ayos na ako kaya wag na sila mag alala, pinaalalahanan niya ako na mag ingat na sa susunod kaya tumango ako at ngumiti ulit. Pagkatapos kong kumain ay gumayak na ako dahil ngayon kami pupunta kay Dra. Buenavista. Nagjeans lang ako at navy blue blouse na may tatak na guess sa bandang dibdib tapos ay nag flat sandals lang ako hinayaan ko nalang rin nakalugay ang buhok ko at inipit ng maliit na clip ang bangs ko. Kinuha ko na ang phone at wallet ko at bumaba na.

Hinatid lang ako ni mang Berto sa Archi-vera Company dahil dadaanan ko si mommy at sa kotse niya na kami sasakay. Nang makarating kami sa Archi-vera Company tinawagan ko si mommy at sinabi niyang hintayin ko nalang siya sa lobby kaya naupo nalang muna ako. Nang makita kong papalapit na si mommy tumayo na ako at nag beso sa kanya pagkatapos ay lumabas na kami ng Company at pumunta kung saan nakapark yung kotse niya at dumiretso na sa Hospital kung saan nagtatrabaho si Dra. Buenavista.

*fast forward*

Nakauwi na kami at nandito na ako sa kwarto ko. Wala namang damage na nangyari sa ulo ko and kaya daw siguro ako nahimatay ay dahil sa pagod at hilo, nag over fatigued lang daw ako, sinabihan lang niya ako ng mga hindi ko dapat gawin tulad ng wag daw ako masyadong magpakapagod at wag magbilad sa araw etc. So far so good naman kaya walang dapat ipag alala. Umidlip lang muna ako sandali dahil wala naman akong gagawin.

-------------------------------------------

Keep Voting!

Keep Supporting my story!

Thankyou Readers!

Your support will be highly appreciated!

~Chingcheeks

                   Continue Reading...

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon