Chapter 23: Intra-high (Part 2)

33 9 0
                                    


Isaac's POV

Mag isa ako ngayon dito sa condo ni Justine pero mamaya ay aalis din ako. Maaga pa naman kaya naisipan kong manood muna ng movie.

Nakatulugan ko ang panonood at nagising lang ako ng may tumawag sa cellphone ko.

"Yes dad?" tanong ko pagkasagot ng tawag ni daddy.

"Where are you?" tanong niya.

"Justine's condo" maikling sagot ko at tiningnan ang oras. 10 na pala.

"Meet me in the coffee shop near VVU, I just arrived here at the airport, I'll go straight there" sabi niya.

"Okay dad, what time?" tanong ko.

"After 2hours I think, I'll call you" sabi niya.

"Okay, take care bye" sabi ko.

Pagkatapos namin mag usap ni dad ay nagluto muna ako at kumain bago naligo at gumayak. Tinawagan ko din si Justine para pumunta mamaya sa coffee shop para makita siya ni dad.

*12:00pm*

Malapit na ako sa coffee shop dahil wala namang traffic, tinawagan ko na din si Justine na malapit na ako para pumunta na siya.

Nang makarating ako sa coffee shop sa labas palang ay tanaw ko na ang mga taong nandoon at karamihan ay students ng VVU, obvious naman dahil malapit sa school nagiging tambayan na ng students. Natanaw ko si Justine na nasa table katabi ng bintana kaya pinuntahan ko na siya, wala pa si dad.

Alam kong matagal ang binyahe ni dad at may jetlag pa siya pero dahil kailangan niyang umattend sa event ng school ay hindi siya agad makakapagpahinga, dapat ay kasabay ko siyang uuwi dito sa pilipinas pero dahil madami siyang patient na kailangan asikasuhin don sa states ay hindi siya nakasabay sakin sa flight.

"Bro! Gwapo natin ah" salubong na sabi ni Justine pagkakita sakin.

"Siraulo" sabi ko. Pinagtitinginan kami dito sa coffee shop.

"Nasaan na si tito?" tanong niya.

"Baka nasa biyahe pa, malapit na siguro yon" sabi ko.

"Iba talaga si tito, akalain mo yon pagod sa trabaho sa states tapos diretso flight papunta dito tapos ayan pa may event at kailangan niyang umattend" sabi niya na bilib na bilib pa.

"That's life" maikling sabi ko.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto nang biglang tumawag si dad at sinabing malapit na daw siya.

"Dad" bati ko at tumayo para yakapin siya, yinakap niya ako pabalik at tinapik sa balikat. Ganun din si Justine.

"Long time no see tito" nakangiting bati ni Justine.

"How are you? Your study?" tanong sakanya ni dad.

"I'm good tito and my study as well" sabi ni Justine.

"That's good" sabi ni dad.

"Uhm.. I have to go na maghahanda pa kami para sa performance namin mamaya" paalam ni Justine.

"Okay, goodluck!" nakangiting sabi ni dad.

"Thanks tito" nakangiti din na sabi ni Justine at umalis na.

Nag usap pa kami saglit ni dad bago umalis ng coffee shop.

Yumi's POV

Nobela by Join the club

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Diko na kaya pa pa kalimutan
Bawat sandali na lang

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon