Chapter 24: Intra-high (Part 3)

26 6 1
                                    


Yumi's POV

Pagkatapos ng program sa gym ay bumalik na kami sa mga booth namin dahil bubuksan na namin ito para sa mga customers. Nagdagdag kami ng photobooth sa gilid para magkaroon ng remembrance yung mga gustong magtake ng pictures.

Mga ilang minuto ay nagkaroon kami ng customer, yung iba ay gustong magpapicture samin nila Nozomi (ay taray artista kana te) nagsasabi din sila ng compliment kaya naman talagang nakakatuwa.

Nagpatuloy lang ang pagdating customer na students lang din naman ng VVU.

Umorder din kami ni Nozomi ng cupcakes dahil gutom na din kami, hindi pa kami nakakapagbihis at napagdesisyunan naming mamaya nalang bago umuwi dahil nasa office pa ni Mrs. Bianca yung gamit namin. Habang kumakin kami ni Nozomi ilang saglit lang ay pumasok na si Justine. May tumawag sakaniya kanina kaya siya lumabas, inalok namin siya ng cupcake pero tumanggi siya, mamaya nalang daw.

Maya maya napatingin ako sa pinto dahil may pumasok pero nagulat ako kung sino yung nakatayo ngayon sa pinto at parang may hinahanap. Napatingin siya sa table namin at saka lumapit. Pinagtitinginan siya ng mga students na nandito, gulat din dahil bakit nandito tong tao na to.

"Bro!" sabi ni Justine pagkakita niya.

"Kalayo ng room niyo nakakapagod puntahan" reklamo niya.

"Eh bakit pumunta ka pa" pambabara si Justine.

"Pinapunta moko" pambabara din niya.

"Ay ganun ba, sige na maupo kana wag kana magreklamo" natatawang sabi ni Justine.

"Hi, congrats sa performance niyo ang galing niyo" bati niya saamin ni Nozomi.

"Thankyou po" nahihiyang sabi ni Nozomi.

"Yow Mr. Vergara" pang aasar ko.

"Hey! Don't call me Mr. Vergara, Fheith Mayumi Zyrene" pabalik na pang aasar niya.

"Okay okay! Stop! Wag moko tawagin s buo kong pangalan" nakataas ang dalawang kamay na sabi ko at nagmemake face pa.

"Teka hoy kayong dalawa! Bakit ganyan kayo mag usap close ba kayo? Magkakilala kayo?" naguguluhang tanong ni Justine, si Nozomi tahimik lang busy sa pagkain ang loka.

"Pakielam mo?" sabay na sabi namin ni Isaac kaya sabay din kaming natawa. Pinanliitan kami ng mata ni Justine.

"Hindi kayo aayos? Nagtatanong ako ng maayos ah nakakahurt kayo ng feelings" sabi ni Justine nakahawak pa sa dibdib niya animoy parang nasaktan talaga.

"Para kang bakla bro" sabi ni Isaac.

"Siya yung nakatapon sakin ng kape, siya yung kasama ko magpadevelop, magkakilala na kami, tinulungan ko siya mamili ng gamit niya, naging close na kami okay na? O may tanong ka pa?" dire diretsong sabi ko.

"Sabi ko nga wala" sabi ni Justine.

"Kaya naman pala kumpleto na yung gamit niya at hindi na nagpasama sakin kase si Yumi ang kasama" pagpaparinig niya kay Isaac.

"Ayaw lang kitang istorbohin dahil kasama mo siya" sabi ni Isaac at tinuro si Nozomi kaya natigil si Nozomi sa pagkain at nanlalaki ang matang napatingin sakin.

"Mamaya ka sakin Nozomi parang may hindi ka sinasabi sakin ah" naninindak na sabi ko kaya todo iling naman siya may laman pang cupcake ang bibig.

"Okay lang naman Nozomi suportado ko kayo wag kayo mag alala" pang aasar ko, nginuya niya ng mabilis yung cupcake para makapagsalita.

"Yumi! What are you saying? Para kang sira" kunwari pa to naku.

"Ganon ba Nozomi? Bakit lagi kayong magkasama?" tanong ko.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon