Chapter 22: Intra-high (Part 1)

29 7 0
                                    


Yumi's POV

This is it! Intra-high na! Ngayon ang opening program at Melody club ang mangunguna sa pagsisimula ng 'Intra-high', ngayon din ipapakilala ang magiging 'Special Guests' for the whole 2 weeks of 'Intra-high' and isa rin daw sa special guest na yon ang magiging judge para sa Mr. And Ms. Intra-high pageant na gaganapin next week.

8:00am

Sa pagsisimula ng 'Intra-high' ay ang simula din ng pagbubukas ng booth's na magtatagal ng 1 week. Every section ang may booth, at ang naisipang booth ng section namin ay 'Cupcakes Booth' kung saan iba't ibang klase ng cupcakes ang makikita sa menu. Hindi kami nakasama sa pagpaplano dahil naging abala kami sa practice pero dahil mamaya pang 1 ang start ng program ay nandito kami ngayon ni Nozomi at Justine sa room para tumulong sa pag set up, nagkaroon kami ng contribution para dito at yung kikitain ng booth namin ay idodonate namin sa fund ng school.

Pastel pink, violet and blue with the touch of silver and gold glitters ang theme ng booth namin at yung mga kaklase lang din namin ang nagbake ng cupcake na wala pa dito ngayon dahil hindi pa tapos, buti nalang may mga baker kaming kaklase *chuckle*.

Inarrange namin yung mga table namin katulad ng table sa mga resto nilagyan din namin ng table cloth na kulay pink at yung chair ay may kulay violet na cloth. Nag arrange din kami ng table para sa magiging cashier at sa lalagyan ng cupcakes. Bawat table na kakainan ng customer ay naglagay kami ng printed menu na nakalagay sa blue folder na may lining na gold glitters. Yung pinto ay nilagyan din namin ng isang malaking heart na glitter gold at sa loob ay may nakasulat na glitter silver na 'CUPCAKES BOOTH'. Nag set up pa kami sa loob para mapaganda inabot kami ng almost 4hours sa pagseset up at dumating na din yung mga binake na cupcakes kaya nilagay na nila sa table.

Nagpaalam na kami dahil kailangan pa naming magready para sa performance mamaya. Pinayagan ulit kami ni Mrs. Bianca na sa private room sa office niya mag ayos kaya doon namin dinala kanina yung gamit namin pati yung damit, si ate ulit ang magmemake up samin nag excuse siya sa teacher niya na pumayag naman. Hindi kasali ang college department sa 'Intra-high' dahil iba ang ganap sakanila. Nandito na kami sa private room ng office ni Mrs. Bianca. Sinimulan ng ayusan ni ate si Nozomi kaya naupo muna ako sa gilid habang pinapanood sila. Buti ay nawala yung malat ko dahil pinainom ako ng ginger tea. Si Justine ay umalis saglit hindi ko alam kung saan pupunta.

Bago matapos ayusan si Nozomi ay dumating na si Justine. Habang inaayusan ako ay nagbihis na si Nozomi.

This time hindi magkatulad ang suot namin ni Nozomi dahil drums ang tutugtugin niya si Justine naman ay electric guitar. Pero pare parehas leather fabric ang gamit sa isusuot namin para masunod ang theme ng banda namin.

Natapos ng magbihis si Nozomi, nakablack fitted tube siya na pang half body lang ang natatakpan at pinatungan ng leather jacket na may silver chain sa bandang neck line at may tatak sa likod na 'TRIYU MINE' , nakablack leather pants din siya at black leather boots na hanggang sakong ang taas at may 3inch heels.

Natapos na akong ayusan ni ate kaya si Justine na ang sumunod para lagyan ng konting foundation at ayusin ang hairstyle.

Parehas lang kami ng make up ni Nozomi pati ng ayos sa buhok. Hindi masyadong makapal ang make up namin. Pumasok na ako restroom dito sa private room ni Mrs. Bianca para magbihis.

Nang matapos akong magbihis ay inabot sakin ni Nozomi ang isang pair ng round earing at silver necklace na babagay sa suot ko kaya isinuot ko na. Black leather skirt na hanggang kalahati ng hita ang haba at nilagyan ko ng black belt ang suot ko, sa pang itaas naman ay one sided shoulder long-sleeved fitted crop top kaya kita ang kalahati ng tummy at likod ko pati ang kaliwang balikat ko ay visible dahil one shoulder lang ang damit na ito may tatak din ito sa likod na 'TRIYU MINE' . Ayoko sana nito pero eto ang napagkasunduan nila kasama ang head sa pumili nito dahil malakas daw ang dating. Nakaboots din ako na katulad ng kay Nozomi.

Natapos na din si Justine at nakabihis na din. Nakablack fitted pants siya at black shirt sa loob ng black leather jacket na katulad ng kay Nozomi may tatak din sa likod na 'TRIYU MINE' (ay couple sila lugi ka Yumi) naka men's boots din siya.

Parehas naka high ponytail ang mahabang buhok namin ni Nozomi at nilagay sa side ang bangs na nakahairpin para hindi lumaladlad, nilagyan din ng silver spray ang dulo ng buhok namin at yung kay Justine nilagyan ng konti sa may bandang ibabaw.

Nang matapos kami ay nahihiya na akong lumabas dahil madaming tao sa labas. Pero dahil kailangan na naming magset up sa back stage ay lumabas na kami.

Nang makarating kami sa backstage ay nag uumpisa na ang program, naipakilala na din ang special guest kaya hindi namin naabutan pero makikita naman namin yon mamaya ng malapitan dahil nasa stage din yon nakapwesto habang nagpeperform kami.

Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit o baka dahil mas madaming tao ngayon ang manonood sa performance namin. Nandito din ang ibang group performers at solo performers. Halos lahat ng group performers ay black ang suot. Yung mga solo performers naman ay iba iba dahil nakadress yung ibang babae at yung lalaki naman ay sari sariling porma.

Narinig kong si Mrs. Bianca ang nagsasalita sa harap ng stage base sa boses at nakatahimik lahat ng nakikinig.

Kinausap kami ng head ng Melody club at nag Goodluck din siya para sa performance namin.

Narinig kong naghiyawan ang mga nasa loob ng gym ng sabihin ni Mrs. Bianca na mag uumpisa ng mapanood ang mga performers ng Melody club.

Nauna ang mga soloist na magperform at grabe ang hiyawan ng mga students sa buong gym. Meron isang solo performer madamdamin ang hinandang performance na kahit pati kami ay nadala at naiyak pero pilit naming iniwasan ang maiyak dahil masisira ang make up namin.

Nang matapos ang performance ng soloist ay sumunod na ang group performer.

Huli kaming magpeperform kaya medyo matagal pa kaming naghintay, dahil paminsan minsan ay binibitin ng emcee ang crowd na excited mapanood ang performance.

Natapos na ang lahat ng group performers at kami nalang ang hindi pa nagpeperform, nagsasalita pa ang emcee dahil may inaannounce yata, wala na akong maintindihan dahil sa sobrang kaba.

"And last but not the least!" rinig kong sabi ng emcee.

"Our last performer for today!" pabitin niyang sabi at tumugtog yung parang pabitin drums na sound effect.

"Let's give them a round of applause!" masiglang sabi ng emcee kaya nagpalakpakan ang crownd.

"The rank 1 performer of Melody club! 'TRIYU MINE'!!" malakas na sigaw ng emcee kasabay ng malakas na sigawan at palakpakan ng crowd.

"Goodluck guys! We can do it!" pagpapalakas ni Nozomi sa loob namin. Naghanda na kami para lumabas dahil nakaset up na din dun yung gagamitin namin.

Dumiretso na kami sa gitna ng stage. Pumwesto si Nozomi sa tapat ng drums, si Justine naman ay pumwesto sa tapat ng electric guitar, at ako ay sa tapat ng mic stand.

Tahimik na ang tao sa crowd.

Bago kami magsimulang magperform ay iginala muna namin ang paningin namin sa buong gym. Sobrang daming tao.

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko kung nasaan ang special guest at nagulat ako ng makita ko siya.

--------------------------------------------

OMG! sino kaya yung nakita ni Yumi?

Sino kaya yung special guest?

Nakakaexcite malaman kaya keep reading guys!

Sabay sabay nating alamin kung "sino"...........

--------------------------------------------

Keep Voting!

Keep Supporting my story!

Thankyou Readers!

Your support will be highly appreciated!

~Chingcheeks

                   Continue Reading...

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon