Chapter 20: Getting To Know Each Other (Part 1)

32 8 0
                                    


Yumi's POV

Nakaupo lang ako dito sa tabi ng fountain habang hinihintay si Isaac, naglaro nalang muna ako sa phone ko para hindi ako mainip.

Halos kalahating oras na akong naghihintay balak ko nasanang umalis dahil baka hindi naman ako sisiputin non, nang bigla siyang magtext na traffic daw kaya matagal siya.

*after a few minutes*

Nakita ko na siyang nagmamadaling maglakad papalapit sakin kaya tumayo na ako para salubungin siya. Nakacap at face mask pa rin siya.

"Sorry if pinaghintay kita, I didn't know na traffic pag ganitong oras" nahihiyang sabi niya.

"It's okay" sabi ko at niyaya na siyang umalis dahil baka gabihin pa kami.

"Pwedeng dumaan muna tayo sa bahay namin para kunin yung copy ng photos?" tanong ko.

"Sure" sabi niya.

"May driver ako na naghihintay sa parking lot, if you don't mind doon nalang tayo sumakay?" tanong ko.

"Sige iiwan ko nalang muna yung kotse ko sa parking tapos babalikan ko nalang pagkatapos natin magpadevelop" sabi niya.

"Okay" sabi ko at nagpatuloy na sa paglakad papuntang parking lot. Nang makarating kami ay sumakay na kami, hindi naman nagtanong si mang Berto kung sino yung kasama ko kaya sinabi ko na kung saan kami pupunta.

"And ahhh....Uhmmm..." parang may gusto siyang sabihin kaso nahihiya siya.

"What?" tanong ko.

"Okay lang kung sayo na din ako magpatulong para bumili ng gamit ko like clothes?" nahihiyang sabi niya.

"Okay lang if hindi pwede, ako naman dapat babawi sayo eh hehe" dagdag niya pa na napapakamot sa batok.

"No, no it's okay" sabi ko dahil parang kailangan nga niya talaga.

"Hmm thankyou" sabi niya.

"Can you remove your cap and mask? May pinagtataguan ka ba?" nagtatakang tanong ko.

"Ahh yes wait... Ayaw ko kasing may makakilala sakin sa VVU" sabi niya at tinanggal ang cap at mask niya.

"Bakit? May nakakakilala ba sayo don?" takang tanong ko.

"Yes?" alinlangang sagot niya.

"Omg! I remember you!" gulat na sabi ko pagkatanggal niya ng cal at mask niya.

"Yeah I remember you too" nakangiting sabi niya.

"Ikang yung kasama ni Justine non sa village! Yung pinsan niya! And wait mommy mo si Mrs. Bianca?" gulat ulit na tanong ko. Saktong pumasok na si mang Berto sa village.

"Yes" natatawang sabi niya.

"And don't tell me magkavillage tayo?" tanong ko pa.

"Uhm yeah but Justine and I decided na sa condo niya ako tumuloy dahil mag isa lang siya, pumayag naman si mommy" kwento niya.

"Oh really? Madalas kami sa condo niya pero wala ka pa non dito noh? Kasi kagagaling mo lang ng states hahaha" natatawang sabi ko. I felt comfortable with him agad.

"Yeah nakukwento niya kayo sakin and yung Nozomi ba yon? The girl she likes" sabi niya kaya napanganga ako. Omg! Tama ang hinala ko gusto ni Justine si Nozomi.

"OMG! tama ang hinala ko na may gusto si Justine kay Nozomi! Kyaahh!" ang ingay ko sa loob ng kotse kaya natatawa si mang Berto.

"Sh*t, hindi pa ba niya sinasabi sayo? Or kahit don kay Nozomi?" kinabahang tanong niya.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon