Chapter 27: Nozomi's Day (Part 1)

22 4 0
                                    


Justine's POV

Pagkahatid sakin nila Yumi ay dumiretso na ako sa condo room ko para makapagpahinga, pero nagulat ako pagkabukas ko ng pinto ng makita ko si Isaac.

"Oh? Kala ko doon ka muna sainyo hanggang matapos yung 'Intra-high'?" tanong ko sakanya. Kasi sabi niya sakin doon muna siya uuwi para makumpleto silang pamilya.

"Ayoko pala don boring, nilalanggam ako sa dalawa" sabi niya tinutukoy sila tito at tita.

"HAHAHA hanap kang kalambingan mo" tumatawang sabi ko.

"May nahanap na ako" nakangiting sabi niya. Tama ba ako ng rinig?

"Huh? Sino?" tanong ko.

"Secret" sabi niya.

"Sino nga?" pangungulit ko.

"Secret no clue, mind your own business" sabi niya.

"Damot, sasabihin lang kung sino eh" kunwaring sabi ko

"Whatever, what happen to your arm?" takang tanong niya na nakatingin sa braso kong may benda. Hindi niya nga pala alam dahil hindi siya pumuntang school kahapon at kanina, masyading busy tong tao na to tsk.

"Kahapon sa basketball tinulak ako nung dalawa sa kalaban malakas impact kaya nainjured" pagkukwento ko.

"Lampa mo naman" nakangiwing sabi niya.

"Yabang nito ikaw kaya itulak ng dalawang tao" sabi ko.

"Ganon?" nang aasar na sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo sa sofa.

"Nga pala" sabi ko ng may maalala.

"What?" tanong niya.

"Birthday ni Nozomi bukas may plano kami ni Yumi, may gagawin ka ba? Baka pwede mo kaming tulungan?" tanong ko. Saglit siyang nag isip bago sumagot.

"Wala naman, anong balak niyo?" tanong niya.

Sinabi ko sakanya kung anong balak namin, nagsuggest pa nga eh.

"Paano pala? Hindi kayo aattend ng 'Intra-high' bukas?" tanong niya.

"Badminton at chess naman ang may laban bukas kaya pwedeng hindi na kami pumunta" sabi ko.

"Baka makahalata si Nozomi?" tanong pa niya.

"Aayain ko siya bukas lumabas tapos si Yumi magdadahilan na kunwari may sakit pero kasabwat namin mommy at daddy ni Nozomi" paliwanag ko.

"Okay, so I guess I will help Yumi to prepare tomorrow sa bahay nila Nozomi" sabi niya at nagkibit balikat.

"Tumpak! Nadali mo!" natutuwang sabi ko pumapalakpak pa(ay parang tanga Justine hahaha)

Pagkatapos naming mag usap ay naligo na ako para makatulog na. Sa guest room nagroroom si Isaac at ako naman ay syempre sa kwarto ko hahaha.

*kinabukasan*

Tinawagan ko si Nozomi para masundo ko siya.

Gumayak na ako syempre kailangan presentable ang itsura dahil birthday ng bebe ko ay joke HAHAHA

Sinundo ko na si Nozomi ng magtext siya na nakagayak na siya.

Nang kasama ko na si Nozomi ay tinext ko si Yumi.

To: Yumi Siopao

Hoy siopao kasama ko na si Nozomi and magkita pala kayo ni Isaac tutulungan ka niya mag prepare.

Sinend ko na at tiningnan si Nozomi na nakatingin sa bintana parang may iniisip.

"Lalim ng iniisip natin ah" pagbibiro ko.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon