Chapter 31: Unlucky Day

23 4 0
                                    


Yumi's POV

Monday na ngayon at nandito na ako sa room, tatlo pa lang kaming nandito, napaaga ako ng pasok dahil napaaga din ako ng gising at baka maabutan ako ng ulan dahil mukang hindi maganda ang panahon, wala ako sa mood kanina pa nang magising ako, hindi ko alam kung bakit, pero mas nawala ako sa mood nang makarating ako sa school.

*flashback*

"Yumi tawagan mo nalang ako kapag uwian niyo na para masundo kita" sabi ni mang Berto.

"Opo" sagot ko.

"Dalhin mo kaya itong payong? Baka biglang bumuhos yung ulan habang papunta ka sa room mo, sobrang dilim na ng langit oh" sabi niya na napatingin sa langit.

"Hindi na po, makakaabot naman po siguro ko sa room bago bumuhos yung ulan" magalang na sabi ko.

"Mabuti na iyong sigurado, dalhin mo na" sabi niya.

"Hehe opo thankyou po ingat po kayo" sabi ko at kinuha na yung payong para makapasok na.

Habang naglalakad ako tumitingin tingin ako sa paligid pinagmamasdan ko yung mga madadaanan ko.

Nasa kalahatian palang ako ng daan papunta sa room ay naramdaman ko na ang malalaking patak ng ulan na paniguradong malakas dahil malakas din ang hangin. Binuksan ko ang payong at nagmadali ng maglakad.

Hindi pa man ako nakakarating sa room ay sobrang lakas na ng ulan na may kasamang hangin kaya nababasa na din ako.

Natatalsikan na din ako ng tubig na nadadaanan ng mga estudyanteng nagsisitakbuhan dahil walang payong kaya mas minadali kona ang paglakad ko, hindi na nga yata lakad ang ginagawa ko kasi halos tumakbo na ako.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, bumaliktad ang payong ko sa sobrang lakas ng hangin kaya napatigil ako at aayusin sana ang payong pero mukang mahihirapan ako kaya binitawan ko na at mas binilisan ang takbo pero hindi ako sa room dumiretso kundi sa locker para magpalit ng damit, mabuti nalang ay may bubong na ang hallway papunta sa locker pero wala ding silbi dahil basa na ako.

Pagdating ko sa locker ay una kong chineck ang gamit ko dahil baka nabasa ang mga notebook ko. Pero sa awa ni God ay hindi naman, kinuha ko ang panyo ko sa loob ng bag at pinunasan ang labas nito dahil nabasa buti nalang ay leather ito kaya hindi agad pumapasok sa loob ang tubig.

Pagkatapos kong punasan ang bag ko ay binuksan ko na ang locker ko at kinuha ang P.E uniform ko, no choice ako dahil wala akong extra uniform dito sa locker ko at ayoko namang magkasakit sa pagtitiis hanggang sa matuyo ang suot kong uniform. Mabuti nalang ay hindi nabasa ang suot kong panloob. Nang makapagbihis na ako ay kinuha ko na ang rubber shoes ko dahil muka naman akong shunga pag nakablackshoes ako diba?.

Pagkatapos kong magpalit ay pumunta na ako sa room, hindi na ako nababasa dahil may bubong na ang hallway mula sa locker papunta sa room namin.

Dumiretso ako sa upuan ko pagkarating ko sa room at naghintay nalang.

*end of flashback*

Kumpleto na kaming magkakaklase dito pero wala pa rin ang aming teacher, hindi pa naman late pero malapit na. Naisip ko lang pag estudyante ang nalate it's either pagagalitan or hindi papapasukin ng classroom pero bakit pag teacher ayos lang? Asan ang hustisya don? Ay char, hala joke lang wag niyo ko ibash HAHAHA mahal ko lahat ng teacher namin mahal ko din ang pag aaral.

Natawa ako sa sarili kong naisip pero dahil wala ako sa mood sa isip lang ako tatawa (may toyo si Yumi ngayon amputek)

"Yumi" napatingin ako sa katabi ko ng tawagin ako.

"Hmm?" tinatamad ako magsalita.

"Katahimik mo" parang nagrereklamong sabi niya. Hindi ako nagsalita inirapan ko lang siya.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon