Chapter 17: Justine And Nozomi's Sweetness

32 10 0
                                    


Yumi's POV

Monday na ngayon at gumagayak na ako dahil back to normal na, may klase na ulit pero may nabago dahil magkakaroon kami ng practice MWF(monday, wednesday, friday) para sa 'Intra-high' kailangan ko din magprepare para sa exhibit ng Photography club.

Kung natatandaan niyo nagkasakit ako nung friday pero magaling naman na ako ngayon, magaling mag alaga yung mga naging nurse ko eh.

Tapos na ako gumayak suot ang uniform ko, may spare clothes din akong dala para sa practice mamaya. Bumaba na ako para kumain ng breakfast kasabay ko sila mommy. Nang matapos ay nagpaalam na ako na papasok na, madami silang binilin kaya tumango lang ako at ngumiti tapos ay humalik na sa pisngi nila.

*school*

Naglalakad na ako papunta sa room namin, maaga pa naman kaya hindi ako late. Nang makarating ako sa room ay nandoon na si Justine at Nozomi magkatabing nagkukwentuhan kaya napangiti ako ng palihim (yieee nagkakamabutihan yung dalawa) ayoko sana sirain yung moment nila pero yung inuupuan ni Nozomi ang upuan ko hahaha. Lumapit na ako saka nagparinig.

"Oy ang langgam, ramdam niyo ba? Kinakagat na nga ako eh" sabi ko na kunwari ay kakamot kamot pa sa leeg. Sila naman ay napatingin sakin na cluecless ang mga muka kaya natawa ako.

"Bakit pumasok ka?" nagtatakang tanong ni Justine.

"At bakit hindi ako papasok?" pabalik na tanong ko.

"Halaka Yumi pag ikaw nabinat ah!" nananakot na sabi ni Justine.

"Magaling na ako Justine Adynne" pagmamalaki ko.

"Hep hep! Stop!" pagpigil samin Nozomi.

Nag usap usap lang kami saglit dahil dumating na yung teacher namin na si Ms. Lene.

"Goodmornin class!" masayang bati niya.

"Goodmorning din po Ms. Lene!" masaya ding bati namin tapos ay umupo na.

"Congrats sa mga natanggap sa audition!" nakangiting sabi niya tapos ay nagsimula ng magdiscuss.

Justine's POV

Palihim akong napapatingin kay Nozomo habang nagdidiscuss si Ms. Lene. Sana lang hindi mapansin ni Yumi dahil tutok naman siya sa pakikinig.

Sobrang saya kausap ni Nozomi dahil ang daldal niya ang cute pa niyang magtagalog at tumawa. Naisip kong sa unang araw ng 'Intra-high' ay aamin ako sakanya at liligawan ko siya, ayoko ng patagalin dahil baka may mauna pa sakin (takot ka lang eh).

Natapos ng magdiscuss si Ms. Lene pero natitingin pa din ako kay Nozomi. Sunod na subject ay Math, isa sa masakit sa ulong subject hahaha.

"Goodmorning!" bati ng teacher namin na kapapasok lang kaya binati din namin. Nagsimula na agad siyang magdiscuss pero wala sakanya ang atensyon ko hahaha.

Napunta lang sakaniya ang atensyon ko ng tawagin si Yumi.

"Ms. Rivera" tawag niya kay Yumi kaya napatayo si Yumi.

"Po?" gulat na tanong niya parang wala din sa teacher ang atensyon niya ah.

"Thrice what number is the same as the sum of 254 and 364?" tanong ni Mr. Angelo, nag isip saglit si Yumi bago sumagot.

"206" tipid na sagot ni Yumi.

"Very good" nakangiting sabi ng teacher namin.

Nagpatuloy lang ang pagdidiscuss at madalas din niyang tinatawag si Yumi na lagi naman nakakasagot (sanaol).

Yumi's POV

Nadidistract ako dito kay Justine dahil napapansin kong panay ang tingin niya kay Nozomi, ayaw pa kasi umamin. Kausapin ko nga to mamaya.

Nagtuloy tuloy lang ang discussion at madalas akong tinatawag ni Mr. Angelo para sagutin ang tanong niya.

*fast forward*

Tapos na ang klase at oras na ng practice kaya nagbihis muna kami bago pumunta sa Melody club room. Nang matapos kaming magbihis ay pumunta na kami sa Melody club room. Habang naglalakad nagkukwentuhan lang kami at si Justine ang may bitbit ng bag namin ni Nozomi dahil mabigat daw at baka mabinat daw ako (ka gentleman naman pala) manong sabihin nalang na ayaw niyang mahirapan si Nozomi dinamay pa ako HAHAHA.

Nang nasa MCR (melody club room) na kami ay binaba lang niya sa gilid ang gamit namin at nagsimula na kaming magpractice.

Madami kaming nandito, kasama namin yung mga natanggap din sa audition at yung head ng Melody club.

Nagpatuloy lang ang practice na ginagabayan ng head ng club, isa isang group or solo kaming nagbibigay ng sample para malaman ng head kung anong dapat gawin.

Nang matapos ang practice ay nagpahinga lang ako saglit sa isang gilid dahil sumakit bigla ang ulo ko. Samantalang si Nozomi at Justine ay tuloy ang sweetness. Maya maya ay nag aya na silang umuwi.

"Hoy ayos ka lang?" tanong ni Justine.

"Oo naman" sabi ko.

"You sure?" tanong din ni Nozomi.

"Oo nga para kayong timang sumakit lang ulo ko" sabi ko na natatawa.

"Ayan sabi ko na eh" sabi ni Justine.

"Baliw kailangan lang ng pahinga, tara na" pag aaya ko.

Sabay sabay kaming lumabas at pumunta sa parking at hinatid muna nila ako kay Mang Berto para makauwi na ko. Sabay silang uwi dahil ihahatid ni Justine si Nozomi since nasa Japan pa ang daddy ni Nozomi at walang maghahatid sundo sakanya at magkaiba ang way ng pinagtatrabahuhan ng mommy niya papunta sa school kaya nagpresinta na si Justine (ka gentlemen namang tunay hahaha). Nang makita namin si Mang Berto ay sumakay na ako kaya umalis na sila para hanapin yung kotse ni Justine.

Justine's POV

Nang makasakay ni Yumi ay umalis na kami ni Nozomi para hanapin yung kotse ko dahil ihahatid ko siya. Ako rin ang sumundo sa kaniya kanina kaya sabay kaming nakarating sa school, nakakatuwa at umaayon si tadhana sakin hahaha, hindi na ako makapaghintay na umamin, siguro ay nakakahalata na si Yumi pero okay lang atleast alam niya na kahit hindi ko pa sinasabi, natatakot pa kasi akong sabihin baka makatikim ako ng sapok hahaha.

Nang mahanap ang kotse ko ay pinagbuksan ko ng pinto si Nozomi sa front seat bago ako pumunta sa driver's seat.

Nagkukwentuhan pa din kami ni Nozomi habang nasa biyahe, dumaan kami saglit sa starbucks dahil nagkecrave daw siya. Umorder lang kami ng take out. Yung akin ay hawak niya dahil nagdadrive ako minsan ay tinatapat niya sa bibig ko para makainom ako (aww ang sweet ng bebe Nozomi) napapangiti nalang ako habang nagdadrive dahil sa gesture niya.

Medyo nagtagal ang biyahe dahil traffic kaya mas matagal ko pang nakasama si Nozomi kahit na araw araw naman kaming magkasama sa school.

Ilang saglit pa ang itinagal ng biyahe ng makarating kami sa kanila, nagpasalamat siya pagkababa niya, inaya pa nga ako na pumasok muna pero sabi ko ay hidi na dahil may pupuntahan pa ako.

Nang makapasok na siya ay saka ako umalis at dumiretso ako sa bahay nila tita Bianca dahil pinapapunta ako hindi ko lang alam kung bakit.

--------------------------------------------

Keep Voting!

Keep Supporting my story!

Thankyou Readers!

Your support will be highly appreciated!

~Chingcheeks

                   Continue Reading...

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon