Chapter 34: Sembreak (Part 1)/Courting?!

33 2 0
                                    


Yumi's POV

"Sis ready kana ba?" tanong sakin ni ate na nakasilip sa pinto ng kwarto ko.

"Ate muka kang timang diyan pumasok ka kaya" sabi ko na nakatingin sakanya, pumasok naman siya at umupo sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag aayos ng gamit ko, actually nakaayos na yung small luggage ko, yung handbag ko nalang ang inaayos ko.

"Patapos nako ate, nasaan na sila?" tanong ko sakanya.

"Nasa baba na sila ikaw nalang hinihintay" sabi niya at tinulungan na ako sa pag aayos.

"Ate, kailan tayo babalik dito?" malungkot na tanong ko.

"Hindi ko din alam eh" malungkot na sabi niya din.

"Ayoko na ngang umalis eh" sabi pa niya.

"Ako din ate, magpaiwan nalang kaya tayo dito? Kaya naman natin eh" sabi ko.

"Kung pwede lang Mayumi hayyy.. " sabi niya na napabuntong hininga pa.

Nang matapos ako sa pag iimpake ay bumaba na din kami para makaalis na dahil male-late na kami sa flight namin.

"Are you ready?" tanong ni mommy.

"Yes mom" sagot namin.

Bago kami lumabas ay binigyan ko muna ng huling tingin yung loob ng bahay namin, ganun din ng makalabas kami.

Hinatid kami ni mang Berto sa airport.

Nang makarating kami sa airport ay dumiretso na kami sa flight namin.

Sa loob ng eroplano ay katabi ko si kuya, ako ang nasa tabi ng bintana, katabi naman ni ate si mommy. Wala si daddy, mas nauna na siya kaysa samin dahil may mga business meeting pa siyang kailangan attendan doon at kailangan ayusin para sa pag stay namin doon.

Monday ngayon at simula na ng sembreak, ngayon ang nakaschedule na flight namin papuntang Japan dahil doon nakalibing ang lolo at lola namin pati ang iba pa naming relatives na sumakabilang buhay na.

"Kuya may chocolate ka diyan?" tanong ko kay kuya, nalimutan ko palang maglagay ng chocolate sa handbag ko puro biscuit ang nailagay ko.

"Meron" sabi niya at inabot sakin yung bag niya, hihi alam niya talaga agad hahaha.

"Thankyou hihi" sabi ko pagkakuha ng chocolate.

"Takaw mo, hindi pa lumilipad gutom ka na" sabi niya.

"Hindi kaya ako kumain kanina duh" sabi ko dahil talaga namang hindi ako kumain kanina kasi inayos ko yung gamit ko.

"Bakit kasi hindi ka kumain? " tanong niya.

"Inayos ko nga kasi yung gamit ko kanina" sabi ko habang binubuksan yung chocolate.

Hindi na siya nagsalita at sumandal nalang saka pinikit ang mata, matutulog nanaman to. Ganyan yan lagi pag nasa flight eh.

Kumain nalang ako at pagkatapos ay natulog din. Nagising ako ng marinig kong nagsasalita ang flight attendant. Umayos ako ng upo dahil lalanding na pala kami, ibig sabihin nasa Japan na kami. Ilang oras lang naman ang biyahe mula Pilipinas hanggang Japan.

Nang makalanding ang eroplano ay naghanda na kami para sa pagbaba.

Nang makababa ay hinintay lang namin yung luggages namin at saka dumiretso sa lobby ng airport dito sa Japan.

Hinanap ko si daddy dahil siya ang susundo samin dito.

Nang makita si daddy ay binitawan ko ang luggage ko at tumakbo papunta sakaniya saka yumakap.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon