Chapter 8: P.E Class/Clinic

66 24 2
                                    


Yumi's POV

*fast forward*

Yay! Friday na! Pinakapaborito kong araw HAHAHA bakit? Kase kinabukasan wala ng pasok at mapapahinga na ang utak ko, although wala naman masyadong nangyari nung mga nakaraang araw hindi naman nila ko pinahirapan bilang president at nandiyan din naman si Justine ang vice president, tinutulungan niya ako kapag may pinapagawa si Ms. Lene, naging close din kami kasi sobrang daldal niya and palatawa siya pero guys secret lang ah may napapansin kasi ako kay Justine, para bang may hidden feelings siya sa best friend kong si Nozomi kasi naman pag kasama ko si Nozomi parang hindi siya mapakali tapos parang nahihiya siya wahaha secret lang yun ah HAHAHA wag niyo ko isusumbong malay niyo baka mali ako ng akala.

Nandito kami sa room at tahimik na nakikinig sa teacher namin sa history, alam niyo ba nakakaboring pero nakakaenjoy kasi madami kaming natututunan.

"Mention the words "martyr priests" and most Filipinos will remember "Gomburza," the three Filipino priests who were executed for their alleged involvement in the 1872 Cavite Mutiny but most of you doesn't know that there were three other martyr priests aside from "Gomburza" " paliwanag ni Ms. Jane. Hindi ko alam yun ah, naexcite tuloy ako malaman.

" So as I was saying there were three other martyr priests aside from "Gomburza" , several years after their deaths, another three martyr priests would again shed their blood in Bagumbayan. Their names are much more obscure though, mainly because they were part of a group of Bicolano martyrs collectively known as Los Quince Martires" patuloy na paliwanag ni Ms. Jane.

Nagpatuloy lang si Ms. Jane sa pagdidiscuss habang kami ay patuloy din na nakikinig kung minsan ay nagtatanong din. Saktong natapos ang discussion ng tumunog and bell hudyat na tapos na ang klase niya saamin.

Sa mga sumunod na subject ay ganon din naging active din ako nung time ng math, one of my favorite subject, bago matapos ang klase nagkaroon pa ng short quiz 10 items lang naman at puro identification lang tungkol sa nadiscuss wala namang problem solving kaya madali lang. Nang matapos ang 10 questions ay pinacollect na sakin ni Ms. Paguia and mga papers, nang makolekta ko lahat ay ibinigay ko sakanya.

Afternoon break namin at last subject na namin ang susunod which is P.E kaya pumunta muna kami ni Nozomi sa locker para magpalit ng P.E uniform since doon namin iniiwan yung P.E uniform namin. Magkahiwalay ang locker ng girls and boys kaya wala si Justine. Pagkatapos namin magbihis ay dumiretso kami sa cafeteria para bumili ng snacks, habang nakapila pinapanood ko yung ibang students na papasok palang ng cafeteria, nakita ko din si Justine at napatingin siya sa gawi namin ni Nozomi kaya dumiretso siya samin wala din naman kasi siyang masyadong lalaking kaibigan kasi ayaw daw niya sa mga kaklase naming lalaki di raw niya trip yung awra baka di raw niya makasundo kaya samin nalang siya madalas sumama, umoorder na si Nozomi ng makalapit siya kaya umorder na din siya. After namin umorder ay humanap lang kami ng table at kumain na. Tapos na kaming kumain kaya papunta na kami sa gym since doon yung P.E namin.

*gym*

"Volleyball is a team sport in which two teams of six players are separated by a net. Each team tries to score points by grounding a ball on the other team's court under organized rules" nagdiscuss muna si Mr. Lance about sa volleyball bago magsimula ang warm up at laro.

*after a few minutes of discussion*

"Before we start the warm up, I'll group you with six members" pagkatapos mag grouping ay nag start na yung warm up. Hindi kami magkagroup ni Nozomi dahil alphabetical ang ginawang groupings pero buti ay kagroup ko si Justine. Nagsimula na ang laro pagkatapos ng warm up, mabuti nalang ay marunong ako pero hindi ganon kagaling.

Kami na yung sasalang at kalaban namin yung group ni Nozomi, magaling si Nozomi dahil sporty siya at fan siya ng ateneo. Kagroup niya yung isa sa ayaw kong kaklase namin, hindi sa pagiging judgemental ha pero parang may galit sakin yon kahit hindi naman inaano by the way she's Madeline.

Nag start na ang laro namin at lamang ang group nila Nozomi, magagaling din yung mga kagroup niya samantalang samin ay si Justine at si Gilliane ang nagdadala, minsan ay nabablock ko yung tira nila kaya nakakaramdam na din ako ng pagod, pag nasa malayo yung bola hindi ko masyadong matanaw dahil malabo ang mata ko kaya blurry pero buti minsan ay sinasalo ni Gilliane na malapit sakin. Matatapos na yung game. Nakita kong nag uusap si Nozomi at si Madeline siguro ay nagpaplan para sa last minute ng game ng matapos silang mag usap ay pumwesto na sila. Si Madeline ang magseserve kaya umayos na kami ng pwesto, seryoso siyang nakatingin sa bola. Nang matira niya ang bola ay sinundan ko ng tingin kung saan papunta ang bola at nakitang saakin papunta yon pero nagdadalawa ang paningin ko dahil nahihilo na ako hindi ko alam kung iiwasan ko ba o titirahin ko hindi ko makita ng malinaw kung saang side papunta hanggang sa narinig ko nalang ang malakas nilang sigawan.

"Yumi!"

"Yumi umilag ka!"

"Yumi tirahin mo!"

Sabay sabay na sabi nila pero huli na ng igalaw ko ang kamay ko para tirahin dahil tumama sa ulo ko ang bola. Napahiga ako sa lakas ng impact ng pagtama ng bola sa ulo ko, sinubukan kong dumilat pero sobrang labo ng paningin ko at hindi ko sila maaninag ng maayos, naramdaman kong nagsilapitan sila saakin pero hindi ko nagawang gumalaw, naramdaman ko ding may tumatapik sa muka ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

Justine POV

Hi! I'm Justine Adynne Vergara, Yumi's new friend.

Nataranta ako ng hindi gumalaw si Yumi sa pwesto niya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.

"Yumi!" sigaw ko kasabay ng iba pa naming kaklase.

"Yumi umilag ka!" sabi pa ng iba.

"Yumi tirahin mo!" sigaw din ng iba.

Pero huli na ng gumalaw siya malapit na sakaniya ang bola, tatakbo na sana ako ng makita kong nakabulagta na si Yumi sa sahig. Dali dali akong lumapit ganon din ang iba naming kaklase. Pagkalapit ko ay naupo ako sa tabi at mahinang tinapik tapik ang pisngi niya samantalang si Nozomi ay nasa kabilang side niya na bakas ang pag aalala sa muka. Naramdaman kong may malay pa si Yumi pero hindi niya magawang magsalita. Pinagpatuloy ko ang pagtapik sa pisngi niya pero tuluyan na siyang nawalan ng malay kaya mas nataranta ako.

"Take her to the clinic now!" sigaw ni Mr. Lance na bakas din ang pagkataranta. Kaya dali dali kong binuhat si Yumi at tumatakbong dinala sa clinic sumunod naman sakin si Nozomi habang si Mr. Lance ay pinakalma ang mga kaklase naming nagkagulo dahil sa nangyari.

Si Nozomi ang nagbukas ng pinto sa clinic kaya dumiretso na ako at inihiga si Yumi sa clinic bed agad agad namang lumapit ang nurse saamin.

"What happened to her?" tanong ng nurse kaya agad ko namang sinabi kung ano ang nangyari. Binigyan niya agad ng First aid si Yumi bago icheck ang vital signs niya.

"She's okay now, she just need to rest for awhile,pero pag nagising siya kung maaari ay ipacheck up niyo siya para magawan ng mga test para masigurong walang nadamage sa ulo niya dahil sa lakas ng impact ng pagtama sakanya ng bola, anytime soon magigising din siya" mahabang paliwanag ng school nurse.

"Okay po thankyou" bakas ang pag aalalang sabi ko.

"Hey Yumi please wake up" naiiyak na sabi ni Nozomi.

"Don't worry she'll wake up anytime she just need to rest" sabi ko para mabawasan ang pag aalala niya.

Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ni Yumi. Hindi kami umalis sa clinic at nagpunta na din si Mr. Lance kasama ang class adviser namin na nag aalala. Tinanong nila kung kamusta na si Yumi at sinabi ko sakanila kung ano yung sinabi ng nurse pagkatapos ay umalis na din sila dahil may iba pa silang klase. Naghintay lang kami ni Nozomi sa clinic habang hindi pa nagigising si Yumi.

-------------------------------------------

WARNING!!

You will encounter some grammatically errors because I am not that good in english but I'm trying my best para mapanindigan yung role ng characters. Thankyou for understanding!

-------------------------------------------

Keep Voting!

Keep Supporting my story!

Thankyou Readers!

Your support will be highly appreciated!

~Chingcheeks

                   Continue Reading...

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon