Chapter 25: Comfort Food

23 7 0
                                    


Isaac's POV

Nagulat ako nung biglang kumapit si Yumi sa dulo ng tshirt ko. Patuloy lang pagsigaw niya dahil sa takot. Maya maya narinig ko na siyang umiiyak dahil gustong gusto niya ng makalabas.

"Sshh don't cry" sabi ko. Sobrang higpit ng hawak niya sa dulo ng damit pero wala akong pakielam. Sandali nalang naman na at makakalabas na kami.

Ilang saglit pa ay nakalabas na kami, namumugto na yung mata niya kakaiyak at kitang kita ko na nanginginig siya, pinaupo siya nila Nozomi at pinaypayan dahil pawis na pawis na din siya.

Umalis muna ako saglit para bumili ng tubig dahil baka mahirapan na siyang huminga kakaiyak.

Pagbalik ko ay binuksan ko ang tubig at binigay sakanya.

"Here, uminom ka muna" sabi ko.

"Wag kana umiyak Yumi, wala na oh hindi na natin uulitin yon" sabi ni Justine.

Ininom niya yung tubig, hindi pa rin siya nagsasalita, nanginginig pa din. Patuloy lang siyang pinapakalma nila Nozomi.

Nakatayo lang ako dito sa gilid nila at nakatingin sa kanila. Naawa ako kay Yumi kung alam ko lang na ganyan ang mangyayari sana ay hindi nalang din ako pumayag na pumasok don.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto doon bago napagdesisyunang umuwi na para makapagpahinga kami lalo na si Yumi. Okay naman na si Yumi, mugto pa din ang mata pero sigurado akong mawawala din naman yon.

Pumunta muna kami sa office ni mom para kuhanin yung gamit nila.

Yumi's POV

Pauwi na kami, habang nasa office ay tinawagan ko si mang Berto.

"Hello po" sabi ko ng sagutin niya ang tawag.

"Ay hello Yumi, magpapasundo kana ba?" tanong niya sa kabilang linya bakas sa boses niya na parang may problema.

"Opo, may nangyari po ba?" kinakabahang tanong ko.

"Naku Yumi, nasira ang kotse nandito pa ako sa talyer para ipagawa mukang matatagalan pa ho, nag commute lang yung ate at kuya mo dahil hindi ko din nasundo" paliwanag niya.

"Ganun po ba, sige po magcocommute nalang din po ako" sabi ko.

"Marunong ka ba magcommute Yumi? Pwede namang sunduin kita diyan kukuha nalang ako ng taxi" sabi niya.

"Hindi na po, kaya ko po, hassle pa po pag sinundo niyo pa ako" sabi ko.

"Sigurado kaba?" tanong niya.

"Opo, mag ingat nalang po kayo" magalang na sabi ko.

"Sige Yumi, ikaw din mag ingat ha tawagan mo ako pag nakauwi kana" sabi niya.

"Opo salamat po" sabi ko at pinatay na ang tawag.

"Wala yung sundo mo?" nagulat ako ng biglang magsalita sa gilid ko si Isaac.

"Uhmm oo eh nasiraan daw, magcocommute nalang muna ako" sabi ko.

"Delikado, padilim na sabay ka nalang sakin doon din naman ako uuwi samin" sabi niya.

"Ehhh..." nahihiya ako, naaalala ko pa yung nangyari kanina grabe yung kapit ko sa damit niya akala moko batang mawawala.

"Tara na" pag aaya niya.

"Bro! Una na kami sasabay ko na si Yumi wala yung driver niya nasira yung sasakyan" paalam niya kay Justine.

"Oo nga pala sainyo ka uuwi sakto" sabi Justine at tinapik sa balikat si Isaac. Tumango lang si Isaac at inaya na akong umalis.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon