Chapter 26: Intra-high (Part 4)

34 7 0
                                    


Yumi's POV

Natapos ang unang week ng 'Intra-high' na masaya, last week ay nagkaroon ng exhibit ang Photography club at Journalism club na soveang naenjoy ko dahil naidisplay doon ang ilan sa mga litratong kinuhanan ko. Natapos na din ang mga booth at sa last day ng 'Intra-high' magaganap ang awarding kasabay ng pageant kaya kailangan lahat ng students na umattend, magsisimula iyon ng 8:00am.

Ngayong week gaganapin ang sports competition.

Monday ngayon at ngayon gaganapin ang basketball, kasali si Nozomi sa volleyball dahil natanggap siya nung try out at kasali naman si Justine sa basketball dahil natanggap din siya sa try out. Ako? Taga cheer lang hahaha.

"Goodluckkkk galingan niyooo!!!" masiglang sabi ko kay Justine.

"Do your best, win or lose your still magaling!" sabi ni Nozomi.

"Salamat sainyooo" nakangiting sabi ni Justine.

Nasa covered court kami ng school ngayon lang ako nakapunta dito dahil dulong part na ito ng school.

Umakyat kami ni Nozomi sa bleacher at si Justine naman ay pumunta na sa teammates niya.

Kulay gray na may white lining yung jersey nila. 11 ang jersey number ni Justine may naisip tuloy ako. October 11 kasi ang birthday ni Nozomi. Sa wednesday na pala yung birthday ni Nozomi wala pa akong naiisip na plano, mamaya pag uwi mag iisip na ako.

Napatingin ako sa gawi nila Justine, kinakausap sila ng coach nila. Maya maya lang ay nag start na ang laro. Taga ibang school ang kalaban nila na sa tingin ko ay laging nakakalaban ng VVU. Sa gawi namin ay puro taga VVU sa kabilang part naman ng bleacher ay puro taga kabilang School.

Nasa kalaban nila Justine ang bola kaya binantayan nila. Tahimik ang crowd dahil medyo intense ang laban kahit umpisa palang. Nakascore ang kalaban kaya nagsigawan ang taga kabilang school. Na kay Justine ang bola ngayon. Dinidribble niya habang tumaktakbo hinahabol naman siya ng kalaban pero himinto siya at shinoot ang bola sa 3points.

"Woaahh go number 10!!!!" sigawan ng mga taga VVU. Napatingin naman si nozomi sa gawi nila. Hmm I smell something.

Nagpatuloy lang ang laban hanggang sa 3rd quarter na at parehas ang score. Time out muna. Kinausap sila ng coach nila at pansin namin na pagod na sila. Ilang saglit lang ay nagsimula na ulit ang laban para sa 3rd quarter. Nakila Justine ang bola. Hawak nung number 03 yung bola na dinidibribble niya habang tumatakbo, binabantayan siya ng kalaban nang makahanap ng tyempo ay pinasa niya sa kakampi na malapit sa kanya na nakuha naman nito ay diretso shoot sa ring kaya nakascore sila. Nasa kalaban ang bola ngayon at patuloy sa pagdribble hanggang sa pinasa sa isang kakampi na pinasa ulit sa isang kakampi na malapit sa ring at shinoot ito na nashoot kaya nakascore din sila. Pantay na ulit ang score. Ngayon ay hawak ni Justine ang bola at dinidibribble niya mahigpit siyang binabantayan ng 3 kalaban. Nang makalusot ay tumakbo siya para makalapit sa ring pero may hindiinaasahang nangyari.

*gasp*

Napasinghap kaming mga taga VVU ng sadya siyang itulak ng dalawa sa kalaban para maagaw ang bola at sa sobrang lakas ng pagkakatulak sakanya ay tumilapon siya at nagpagulong gulong. Napatayo kami ni Nozomi dahil sa nangyari. Hindi namin alam pero parang namilipit sa sakit si Justine, kinabahan kami ni Nozomi na baka nainjured siya. Natawagan ng foul ang kalaban at nag time out muna saka tumawag ng medic para mabigyan ng first aid si Justine. Gusto naming pumunta pero hindi pwede dahil baka makaagaw kami ng eksena. Mahigpit na hinawakan ni Nozomi ang kamay ko, sobra ang kaba namin. Isinakay sa stretcher si Justine para dalhin sa yata sa clinic.

Tinuloy ang laban para sa 3rd quaeter nagpasok ng ibang member ang coach para pumalit kay Justine.

Nagpatuloy ang laro.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon