Chapter 11: Exam/Announcement

46 17 0
                                    


Yumi's POV

Exam week naaaa......

8:00am

Nandito na ako sa room, masyado yata akong maaga dahil ako palang ang tao, naipass ko na yung mga project ko nagpatulong ako kay mang Berto kanina para buhatin papuntang faculty ng mga teachers, sabi kasi ng mga teachers namin sa group chat idaan nalang namin sa faculty. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa room. Nakaupo lang ako, nagcecellphone habang nag aantay na dumating ang mga kaklase ko. Ngayon yung simula ng exam, 3 exams a day lang kaya hanggang wednesday yung exam namin at 1week kaming half day dahil thursday ang checking at friday ay ilalabas na ang mga with honors, bilis no? Ganun daw kasi talaga dito, at ayon hindi rin sakit sa ulo ang pagrereview pero pagkayari namin umattend ng mass sa church kahapon [sunday] ay nagsimula na akong mag review tinutukan ko yung dalawang subject na itetake namin ngayon pero syempre binasa basa ko na din yung iba pang subject.

*8:30am*

Marami na kami dito sa room pero wala pa yung teacher namin dahil 8:45am pa yung start ng exam, 8:30 palang ngayon,nandito na din si Nozomi at Justine pero syempre wala munang asaran at daldalan review muna.

*8:45*

Dumating na yung teacher namin at magsisimula na ang exam. Nagsabi muna siya ng mga rules tapos ay nagpamigay na ng test papers.

Seryoso lang akong nagsasagot medyo nahirapan ako sa ibang question dahil nakakalito pero sinagutan ko pa rin hindi nga lang ako sure pero yung iba naman ay sigurado ako. 1hr and 30mins ang meron kami kada isang subject pero natapos ko ang unang exam ng halos isang oras lang kaya nagproceed na ako sa susunod na exam. Ganun din ang sumunod medyo nahirapan pero kaya naman.

Last subject na yung itetake ko pagkatapos ay pwede ng umuwi. Basa at sagot lang ang ginagawa ko pero syempre inaanalyze kong mabuti para sure hehe.

*After an hour*

May mga nakauwi na dahil tapos na sila, patuloy lang akong nag sasagot, 5 questions nalang tapos na ako.

Tadah! I'm done! Lumapit na ako sa teachers table para ibigay ang test paper na nasagutan ko na kaya pinayagan niya na akong lumabas. Mas naunang matapos sakin si Nozomi kaya paglabas ko nakita ko siyang nag-aantay sa tabi ng pinto. Lumapit ako sakanya at tinabihan siya, hindi pa tapos si Justine kaya hinintay pa namin siya.

*after a few minutes*

Nakita na namin lumabas si Justine, kaya sinalubong na namin siya.

"Kahirap na bwiset na exam na yan!" pagmamaktol niya nakakunot pa ang noo kaya natawa kami ni Nozomi.

"Ano ka ba ganon talaga! Nasagutan mo naman ba?" tanong ko.

"Oo naman ako pa ba hahaha" napangiwi ako.

"Kita mo! Nasagutan mo naman pala makareklamo ka diyan na mahirap!" sabi ko at hinampas siya sa balikat.

"I'm sure Yumi will got the highest score sa mga exam" proud na sabi ni Nozomi.

"Baliw! Baka ikaw, hindi ako" pagbabalik ko sa kanya ng sinabi niya.

"You kaya" ay hindi papatalo ang lola nyo.

"Whatever, kahit sino, basta wag lang bagsak" pagtatapos ko ng usapan.

"Tama!" sabay na sabi nila.

"Group review tayo? Maaga pa naman eh kain na din tayo" pag aaya ko na tinanguan naman nila.

Dating gawi sa condo ulit ni Justine namin napag- desisyunang pumunta.

Yari na kaming kumain kaya magsisimula na kaming magreview.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon