Chapter 29: Intra-high (Last Part)

26 4 0
                                    


Yumi's POV

It's friday!! Last day of Intra-high. Yesterday nagpunta lang kami sa school para tingnan pa ang mga ganap pero hindi kami nagtagal dahil wala naman na kaming gagawin kaya naisipan nalang naming tumambay sa condo ni Justine buti at wala doon si Isaac dahil naiilang pa din ako sa nangyari nung birthday ni Nozomi, naging extra sweet na si Nozomi at Justine sa isa't isa(aw magjowa kana din Yumi HAHAHA). Mine pa nga ang tawagan nila pinanindigan ang Mine sa 'Triyu Mine', well simbolo naman yun na sila lang ang para sa isa't isa at the same time combinatiin din ng name nila.

Ngayon ang pageant at si Justine ang napiling Mr. Intra-high representative, gwapo naman siya at matalino din kaya may laban siya. Pagkatapos ng pageant ay yung awarding na para sa overall winners ng sports competition, special awards for the performers, and specially the honor students for the first quarter will be awarded later.

We are required to wear the 'Intra-high' shirt that distributed to all the students last time.

Nakaligo na ako at naghahanap na ako ng ipapartner ko sa 'Intra-high' shirt.

Nag denim skirt nalang ako na may three buttons and 3 inches above the knee then tinucked-in ko yung shirt, pinartneran ko din ng black parisian sandals na may 2 inches heels lang para maging comfy mamaya.

Pumunta na ako sa tapat ng vanity table para magblower ng buhok. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang buhok ko, inipit ko ang bangs sa side gamit ang cute hairclip na medyo shiny lalo na pag natatapat sa araw or ilaw.

Nang matapos ay kinuha ko na yung black chanel sling bag ko na may silver chain strap.

Nang matapos ako ay umalis na ako.

Nang makarating ako sa school ay dumiretso alo sa office ni Mrs. Bianca dahil as usual sa private room ulit sila nag ayos.

Inaayusan na si Nozomi pagpasok ko ganun din Justine. Nakaready na din yung mga isusuot nila.

Nagprepare ang section namin ng banner for Justine and Nozomi.

Nang matapos ayusan si Nozomi ay nagpunta na siya sa rest room para magbihis.

*pageant*

Magsisimula na ang pageant, nandito ako sa harap na seats dahil dito ang nireserve ni Isaac para samin ng mommy at daddy ni Nozomi, wala ang parents ni Justine dito dahil nasa states at hindi nagawang makauwi because of business, but it's okay we're here to support them naman.

Si Isaac ang nag reserve nito para daw mas mapanood namin ng mabuti.

Nasa backstage ang mga candidates at yung mga mag aassist sakanila and syempre yung mga make up artist nila. Malaki ang space sa backstage kaya kasya sila doon, mayroon ding harang na mga curtains para hindi sila magkagulo.

Nagbigay muna ng opening speech si Mrs. Bianca tapos ay ipinakilala ng emcee ang magiging judges.

Nasa baba ng stage ang table para sa tatlong judges.

Natawag na ang dalawang magiging judges na ngayon ay nakaupo na sa seats sa harap ng stage.

"And last, the only son of the owner of the school, Mr. Isaac Jheiczy Vergara" nakangiting sabi ng emcee kaya lumabas na siya mula sa backstage at pumunta gitna ng stage para makita ng mga students and teacher pagkatapos ay nag bow siya at pumunta na sa seat niya.

Hindi ko alam pero kinabahan ako ng makita siya.

Nagsimula ng tawagin ang mga candidates para irampa ang kanila shorts wear.

Number 14 si Nozomi at number 12 naman si Justine.

Sunod sunod na rumampa ang mga babae at lalaking candidates hanggang sa nakahilera na silang lahat sa stage. Lahat sila ay yung 'Intra-high' shirt na kulay white ang suot pero naging iba't iba ang design dahil yung iba ginawang crop top, yung iba ay nakatali para maging fitted at yung iba ay nakatucked-in lang sa shorts. Nakawhite tattered shorts si Nozomi na bumagay sakanya dahil maputi siya, naka pointed heels siya na silver with 5 inches heels at yung shirt niya na ginawang crop top kaya kita ang flat niyang tummy. While si Justine ay naka mens summer casual shorts na mocha color with black belt, nakatucked-in ang white 'Intra-high' shirt. Naglagay ng mic stand sa gitna ng stage para sa introduction. Sunod sunod na nagpakilala ang candidates.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon